Chapter 57: School Festival (Part 2)

25 4 0
                                    

"School Festival (Part2)"



Kyries' POV


"Waaaahhhhh!!!" Sigaw nung dalawang babae sabay kumaripas ng takbo.



"Tss! Oa." Bulong ko matapos nung pananakot ko sa kanila.


Napabuntong hininga nalang ako at sumiksik ulit sa madilim na parte ng pinagtataguan ko. Hindi ko alam kung ilang oras na simula nung magbukas muli ang booth namin pero parang pagod na pagod na ang buong katawan ko. Mas ramdam ko agad ang pagod dito kaysa sa mga trainings na ginagawa namin.


"Kyries." Nilingon ko agad ang tumawag sakin na yun. It was Keefe.


"Bakit?"


"Take a break, kami na ang bahala dito."


"Ha? Konti nalang ba mga taong nakapila?" Tanong ko dito at sinilip pa ang bandang likuran niya na para bang makikita ko ang pila sa labas.


"Ganun parin naman, pero masyado ng maraming Dark Creatures ang tinawag ni Peyton kaya hindi na natin kailangan pa ng ibang mananakot. Magbabantay nalang ang ilan sa atin sa mga natrap at sa entrance para magbenta ng tickets sa mga papasok."


"Hindi naman kaya magalit si Caileen dahil sa ginagawa natin? Lalo na kay Peyton?" Natatawang tanong ko.



"Nah. She already knows it. Besides, ganun din naman ang ginawa sa booth nila kaya she agrees to use our powers, just this once."


"I see." Tumatangong sagot ko. "Sino maiiwan dito?"


"Si Arthur sa entrance. Ako ang magsusundo sa mga student na hindi makakaalis sa trap rooms at si Redmond naman ang magbabantay sa mga dadalhin ko sa Jail room." Napahinto naman siya sa pagsasalita nung may ilang estudyante ang tumatakbo sa gawi namin hanggang sa....



"Waaaaaahhhhhhh!!!! Ayoko na gusto ko na lumabas!!" Sigaw nung isa nung makita ang mukha ni Keefe kaya agad silang kumaripas muli ng takbo.


"Ganun ba talaga kapanget ang make-up sakin ni Uziah? Kung makasigaw siya akala mo mukha akong maligno eh."


"Isn't that the point of your get-up right now?" Natatawang tanong ko kaya masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.


Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko bilang pagsuko.

"Lumayas ka na dito kung ayaw mong bugbugin kita. Sabay-sabay ng umalis sila Jamil, Peyton at Uziah kanina, alam ko balak nila maglibot sa field. Si Madison naman ay tutulong daw kila Caileen sa booth nila." Sabi nito habang naglalakad paalis at kumakaway pa ng patalikod.


Agad naman akong nagtungo sa Restroom para alisin ang make-up ko at para magpalit narin ng damit. Tapos ay agad akong dumeretso sa booth nila Caileen, pero di ko inaasahan na makakasalubong ko na pala ang hinahanap ko.


"Kuya Kyries!" Masayang salubong nito sa akin.


"Mads naman, sabi ko sayo wag mo na kong tatawagin na kuya eh." Kita ko ang pamumula ng pisngi nito kaya natawa ko sa itsura niya.


"S-Sorry. Nasanay lang. A-Ano nga palang ginagawa mo dito?"


"Hmm... Titingnan ko lang sana yung booth nila Caileen, galing ka na dun diba? Kamusta naman?"


AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon