Chapter 52: Tranquility (Part 2)

19 4 0
                                    

"Tranquility (Part 2)"



Cael's POV



"Kapagoood! Di ko alam kung bakit mas pagod ako dito kaysa sa pageensayo. Buti nalang at Biyernes na at walang pasok bukas." Reklamo ni Jamil at pabagsak na umupo sa sofa pagka-uwi namin galing eskwela.




Umupo rin ako sa pang-isahang upuan at inihilig ang sarili doon. Nakita ko pa ang matalim na tingin sa akin ni Caileen bago pumunta sa kusina na sinundan si Henley. Ilang beses pa ko napalunok dahil dun dahil alam ko ang ibig sabihin ng tingin niya na yun.




'I'm watching you...'



Hindi parin nawawala sa isip niya ang naging sagutan namin ni Cooper. Tss! Siya naman ang nagsimula nun, hindi ako. Pero ipinagtataka ko lang ang iniasta nila pareho ni Eileen nung magkaharap sila. Paanong naging ganun sila kapormal sa isa't-isa?




"Hindi mo kasi ine-exercise utak mo kaya mabilis napapagod. Hehe." Masamang tingin ang isinukli ni Jamil kay Uziah sa sinabi niya na yun.




"Palibhasa kasi maton kang babae kaya ganyan ka makapagsalita eh."




"Ang ibig sabihin lang niyan, mas malakas ako sayo at weak ka."




"Mawalang galang sa babaeng hambog, hindi porket literal na mas malakas ka sa amin dahil sa kapangyarihan mo eh magyayabang ka na."



"Nasaan ang kayabangan dun? Excuse me, it's a fact." Masamang tingin na lamang ang isinukli ni Jamil kay Uziah.



Wala naman kaming nagawa at natatawa nalang sa iniasta ng dalawa. Lumabas si Henley na may bitbit na meryenda at pinagsilbihan kaming lahat.



"May naisip na ba kayo na gagawin para sa School Festival?" Biglang tanong ni Caileen.



"Anong School Festival?" Nagtatakang tanong ni Keefe.



"Hindi niyo alam?"



Naguguluhan na nagtinginan naman sila dahil sa tanong niya na yun. Kunot-noo naman kaming nagpalitan ng tingin nila Henley. Kapareho ko kasi sila ng kursong kinukuha para palagi ko makasama si Caileen.



"Wala bang nagsabi na lecturer sa inyo?"



"Yun ba yung may magaganap na event sa buong school at isang linggo na walang pasok para doon?" Pasagot na tanong ni Peyton kay Caileen. Tumango naman siya. "Narinig ko yun na sinasabi nung class president. Nagkukwentuhan kasi sila, at yung iba naman ay tulog kaya hindi nila narinig." Tukoy ni Peyton sa mga kasama na napapahiya naman nagsipag-yuko.



Napabunting hininga naman si Caileen at napakamot pa sa noo.

AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon