SIMULA

857 14 2
                                    


"Nagkatotoo ang nakasaad sa propesiya.." seryosong turan ng isang babaeng sa kilos at pananalita pa lamang ay mababakas na ang awtoridad, kasalukuyan nitong pinagmamasdan ang pagsusungit ng panahon sa labas ng bintana. "ano na ang binabalak ng mag-asawa?"


Bahagyang yumuko ang lalaking kausap nito at tila nag-iisip ng malalim.


"Hindi makapagdesisyon si Fernan sapagkat ayaw mawalay ni Selena sa batang iyon, narinig kong nagtatalo sila ukol sa usaping ito." mahinahong paliwanag ng lalaki.

"Nararapat na itong masolusyunan bago pa malaman ng mga mamamayan at maging sanhi ng kanilang pagrerebelde laban sa ating kaharian.." pinal na turan ng babae at nagmamadaling lumabas ng silid, sumunod naman ang lalaki.



"Ina, Ama.." bati ng isang lalaki at bahagyang yumuko sa dalawang taong napasugod sa silid nilang mag-asawa.


Binalewala ng mga bagong dating ang pagbating 'yun at dire-diretsong nagtungo sa kamang kinaroroonan ng isang babaeng natutulog at ng sanggol na tila kasisilang lamang.


"Siya ba?" turan ng maawtoridad na babae.

"Ina, hayaan muna nating makapagpahinga si Selena bago ---"

"Bawat segundo'y mahalaga Fernan! Bago pa tuluyang kumalat ang pangyayaring ito.." giit ng babae at muling ibinaling ang tingin sa sanggol. "kailangan na nating gumawa ng aksyon."

"Ina, maaari bang ---"

"Alam mo ang nakasaad sa propesiya Fernan! Isang sanggol ang isisilang sa kabilugan ng buwan, siya'y pagmumulan ng di-pagkakaunawaan.. magiging puno't dulo ng kamalasan kung kaya't nararapat na itakwil ng kaharian." banggit ng babae sa nilalaman ng propesiya. "alam mong sa simula pa lang ay hadlang na ako sa pagsilang sa batang yan.. lalo na't dugo't laman yan ng taong 'yun. "

"Ngunit Ina, anak siya ni Selena, ituturing ko pa rin siyang totoo kong anak, kung tutuusin ay apo mo pa rin siya, makakaya mo bang ---"

"Tama na ang kahibangan mo Fernan, wag kang padadala sa pag-ibig na nararamdamn mo para kay Selena. Ang lahat ng ito'y isang pagkakamali at alang-alang sa kaharian Fernan, alam mong prayoridad ko ang kaligtasan ng lahat.. kahit kadugo ko'y aking sasantuhin.."


Napatingin naman si Fernan sa nananahimik na Ama ngunit maging ito'y tila sang-ayon sa nais ng Ina.


Pinagmasdan ni Fernan ang supling, hindi siya makapaniwalang ng dahil sa kasakiman ng isang taong puno't dulo ng lahat ng ito'y magagawa niyang pumayag na ipapatay ang walang kamalay-malay na sanggol. Marahil sa gagawi'y kamumuhian siya ng asawang mahimbing na natutulog.



"Fernan!" muling pukaw ng babae sa nananahimik na anak, bakas sa mukha nito ang pagtutol at pagkalito. "kailangan mo ng magdesisyon, anumang oras ay maaari nang magising ang iyong asawa.."


Napapikit ng mariin si Fernan at napakuyom ng kamao bago marahas na huminga.


"Ipinauubaya ko na sa inyo ang lahat.." mahinang sambit ni Fernan.


Tumango naman ang babae at nagpakawala ng puting liwanag sa kanang palad.


Gamit ang liwanag ay nakagagawa ang babae ng sandatang mas matalim pa sa espada.


Itinutok nito ang tila nabuong liwanag na hugis patalim sa walang kamalay-malay na sanggol, ngunit bago pa ito tuluyang makalapit at makasakit, may tila harang na yari sa apoy ang bumalot sa sanggol na tila pinoprotektahan ito. Kataka-taka ring naglaho ang liwanag na hugis patalim na tila ba hinigop ng kung ano mang enerhiyang nagmula sa sanggol.

Hindi nakapagsalita ang tatlong nakasaksi, lubos silang namangha sa nangyari.


"I-Ina.." mahinang sambit ni Fernan. "paanong---"

"Nagtataglay ang sanggol ng nakamamanghang kapangyarihan.." tila nakangiting turan ng babae, ngunit muli itong naging seryoso. "Siya nga ang tinutukoy sa propesiya.. ang isinumpang prinsesa."

"Ano na ang gagawin mo ngayon? Hindi siya maaaring mamatay, ngunit hindi rin siya maaaring mabuhay.." tanong ng kanina pang nananahimik na lalaki.


Seryosong naglakad papalapit sa sanggol ang babae, tila naman may muwang na nakikiramdam sa paligid ang nasabing sanggol.


"Kailangan niya pa ring mawala.."



**


A/N: NEW PLOT. 

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now