IKA-ANIM

134 8 0
                                    


"I'am sorry Mare, hindi na tumitibok ang puso niya nang dalhin siya rito. We still tried, dahil kahit papaano'y may pulso pa siya. Pero hindi na talaga niya kinaya. I'am sorry Mare."


Malakas na hagulhol ni Tita Tinay ang bumulabog sa loob ng Emergency Room. Sinundan ito ng matinis na iyak ng dalawang nakababatang kapatid ni Trazy. Ang tatay naman niya'y tulala lang sa isang gilid.


"Bakit, bakit ang anak ko pa? Ang bata pa niya. Bakit kailangang sa kanya pa mangyari 'to? Tama, kasalanan ko, kung hindi ko lang siya inutusang magpunta kay Mario para humiram ng perang pambili ng isang biik, hindi mangyayari sa kanya ito. Kasalanan ko."


Malinaw kong naririnig ang nasa isip niya. Tahimik na sinisisi ni Tito Tonyo ang sarili niya. Pero kung tutuusin, ako ang nagkulang. Kung nabasa ko lang kaagad ang text nito kaninang umaga, sana'y napasundo niya ito kay Mang Kanor at hindi na nito kinailangan pang magbyahe't sumakay sa bus na 'yun.



After 1 month, nangyari ang masaklap na kamatayan ng best friend niya. Ang panghoholdap at ang pagpapasabog ng holdaper sa bus na iyon. Nangyari ang lahat ng nakita niya. Pinilit man niyang iwasan, sa huli'y natuloy din ito. Ang tanging nagawa lang niya'y idelayed ang lahat ng iyon.


Anong sense ng kakayahan niyang makita ang hinaharap kung hindi rin naman pala niya ito mapipigilan?!


"Are you okay Yesha?" malumanay na tanong ng kanyang mama. Nakaupo na ito sa tabi niya at nakahawak sa magkabila niyang balikat. "You can cry. I know, you're hurt. Parang magkapatid na kayo ni Trazy, but it's not your fault baby. Aksidente ang nangyari, hindi natin alam na may holdaper palang nakasakay doon. Walang may gusto ng lahat ng ito."

"Alam ko Mama, alam ko. Pero wala akong nagawa. It's my fault Mama."

"Baby, it's not your fault." she hugged me, naramdaman ko pa ang pagtaas-baba ng balikat niya, tanda na umiiyak ito. "Hindi matutuwa si Trazy na makita kang ganyan. She loves you a lot. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo."



"Yesha, kapag nag-college na tayo, wag mo akong kalilimutan ha? Saka, babantayan mo si Psy para sakin."

"Para namang hindi na tayo magkikita niyan, for sure magkaklase pa rin naman tayo. Pareho namang Engineering ang course na kukunin natin."

"Narinig ko kasing nag-uusap 'yung mga magulang ko. Baka hindi muna ako makapag-college, hindi kasi kakayanin. Magtatrabaho na lang muna siguro ako, para makapag-aral 'yung dalawa kong kapatid."

"Pwede ka namang maging scholar."

"Nagpapatawa ka ba? Lagi nga akong pasang-awa."

"Tutulungan kita. Gagawin kitang yaya." biro ko.

"Wag na. Yaya ni Psy, pwede pa."

"Landi talaga."

At sabay silang tatawa na parang wala ng bukas.



"Teka Yesha, maglalagay lang ako ng lipstick."

"Wag na, wala namang magbabago."

"Ang supportive mo talaga kahit kailan."

"'yan ba 'yung bigay ko sa'yo nung birthday mo?"

"Oo. Tinitipid ko nga, baka maubos agad. Ang layo pa ng birthday ko."

"So, nag-eexpect ka na bibigyan ulit kita ng regalo sa birthday mo?"

"Yap yap Yesh, kung pwede nga isang dosenang red lipstick ang ibigay mo e!"

"Mapapatunayan mo talaga sa birthday mo.."

"Na mahal mo talaga ang maganda mong best friend?"

Umiling ako.

"Na kapag nag-expect ka, masasaktan ka lang."

"Ang sama mo, bully."

Tapos hahampasin niya ako ng ilang beses hanggang mamula ang braso ko.



I smiled bitterly habang nakatingin sa nitso niya.


TRAZY L. KUMUTAN

August 21, 1999 – February 29, 2016


"I'am sorry, wala akong nagawa Trazy. Hinayaan kitang mamatay. Kasalanan ko kung bakit maaga kang nawala, kasalanan ko kung bakit nasasaktan ngayon ang pamilya mo. Kasalanan ko Trazy. I'am really sorry." I exhaled. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Gustuhin ko mang umiyak pero alam ko namang wala akong karapatan. It's my fault, so anong karapatan kong umiyak? "Ang daya mo Tasya, kung mamamatay ka sana isinama mo na lang ako. Sino na ngayong mangungulit sa'kin sa klase? Sino nang kakain ng tira kong pagkain? Sino na ang kikiligin kapag nakita si Psy? Sino nang hihintayin ko after kong matapos mag-C.R.? Sino nang uubos ng battery ng phone ko sa kakabasa sa Wattpad? Sino nang bibilhan ko ng pandesal bago pumasok sa klase?" napasinok ako but pinigilan ko pa ring tumulo ang mga luha ko. "S-sino nang magpapatawa sa'kin kapag sobrang down ko? Sino nang dadalaw sa'kin sa clinic? Sino nang hahampas sa mga braso ko? Sino nang kasama kong mag-shopping kapag bibili ng regalo? At sino nang.. sino nang magiging best friend ko? "



**

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now