IKA SAMPU

121 10 0
                                    

"Kalimutan mo na ang mundo ng mga normal na tao."

Muli niyang naalala ang mga salitang binitiwan ni Yuri, kung magsalita ito akala mo ganun lang kadaling kalimutan ang lahat. Paano ko kakalimutan ang mundong kinagisnan ko? Paano ko makakalimutan si Trazy, si Mama at si Papa, kung gabi-gabi ko namang naaalala ang pagkawala nila?

I sighed.

Napahinto ako sa paglalakad at sinipa ang nananahimik na batong nakaharang sa daraanan ko.

"Mukhang naliligaw na ako."

Makailang-beses ko pang iniikot sa paligid ang paningin ko.

Sigurado akong tama ang direksyong pinuntahan ko. Ang sabi ni Yuri, sundan ko lang ang tuwid na daan mula sa kanyang bahay at mararating ko ang dulo nito kung saan naroon ang tindahang sadya ko. Hindi naman ako lumiko kaya nasisiguro kong andito lang 'yung tindahan na iyon.

Bakit kasi ako pa ang inutusan niyang mamili ng mga pagkain? Hindi naman ako familiar sa lugar na ito. Remember, kahapon lang ako dumating dito.

Binuksan ko naman ang papel na pinagsulatan ni Yuri ng mga kailangan kong bilhin.

Oryza, Caro, Crustum, Lac Lactis

Anong mga pagkain 'to? Hindi kaya lason ang mga ito? Mukhang papatayin lang talaga ako ni Yuri?!


"Kailangan mo ba ng tulong binibini?"

Napapitlag ako ng may nagsalita sa harap ko.

Limang lalaking pawang mga nakangisi at tila may kung anong masamang gagawin ang kasalukuyang nakaharang sa daraanan ko.

"Mukhang nawawala siya, bakit hindi natin siya tulungan Orion." saad naman ng isa pang lalaki.

Humakbang ako paatras.

"Hangga't maaari ay umiwas ka sa gulo." paalala ni Yuri.

Anong gagawin ko ngayon? Sana man lang bago niya ako inutusan, tinuruan man lang niya ako ng kaonting magic para lumaban o tumakbo man lang. Teka, baka naman may police station dito?

"Tinatakot niyo siya." puna naman ng ikatlong lalaki.

Muli akong humakbang paatras at pinagmasdan ang paligid.

May mangilan-ngilang taong dumaraan ngunit halatang umiiwas sila sa gulo, hindi man lang sila nag-aabalang tumingin sa kinaroroonan ko. Sana naman maisip nilang tumawag ng pulis!

"Sisimulan na ba natin ang pagtulong?" hirit muli ng unang lalaking nagsalita, marahil siya si Orion.

Naglabas ito ng isang kutsilyo mula sa sariling kamay. Pinaglalaruan pa niya ito at tila aliw na aliw sa ginagawa.

Lagot! Mukhang kalahi sila ni Cell.

"Wag mo siyang masyadong pahirapan.." turan ng ika-apat na lalaki at walang pakialam na umupo sa gilid saka humikab. "pero pakibilisan.."

"Napakamainipin mo talaga Tim." wika naman ng ika-limang lalaki saka walang pakundangang binato ako ng isang bola! "Paumanhin, nadulas lang." tumatawang hirit pa nito.

Hindi ito ordinaryong bola, naramdaman ko ang bolta-boltaheng kuryente ng tumama ito sa braso ko.

Nasugatan ako. Akalain mo nga namang nakaligtas ako sa pagsabog ng eroplano pero mukhang malilitson naman ako sa mundong ito.

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now