IKA SIYAM

126 11 0
                                    



"A-ano ka ba talaga?" nanghihina kong turan kay Yuri nang biglang lumiwanag ang mga kamay niya, kasabay ng pagbubukas ng tila portal sa harapan ko.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, halika na."

"Te-teka, ngayon na agad? Hindi ba pwedeng after na lang ng 40 days ni Trazy at saka nina Mama at Papa? "

Napakunot-noo naman ito.

"Kailangan na nating bumalik, malapit na ring magsimula ang klase. Ihahanda pa kita."

"Hindi ka ba sindikato? Baka naman lamang-loob ko lang ang habol mo? Nakaligtas nga ako sa eroplanong 'yun pero gagawin mo naman akong isaw?!"

"Aryesha Roazon, wag mong ubusin ang pasensiya ko."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang mag-iba ang kulay ng mga mata ni Yuri, mula sa pagiging itim ay naging blue ito. At mula sa pagkakaupo ko sa kama ay bigla akong umangat sa ere, papunta sa kinaroroonan ng portal.

"Y-Yuri.." nahihintakutan kong saad, ngunit ngumisi lang si Yuri at tuluyan akong ipinasok sa portal.

God, Kayo na po ang bahala!

Ipinikit ko pa ang mga mata ko dahil inaasahan ko ang mala-slide na effect sa loob ng portal, 'yung tipong paiikot-ikotin ka muna bago mo marating ang dulo. Ganun kasi ang kadalasang napapanood ko sa T.V. Pero nagkamali ako, para lang akong pumasok sa magic door ni Doraemon. Mula sa kwartong kinaroroonan ko kanina, parang tumawid lang ako sa sala.

Ang kaibahan lang ay ang disenyo ng nasabing sala. Isang mesa at limang upuan ang naroon, walang T.V., wala ring DVD o MP3 player. May mga nakasabit na larawan na tila mga paintings, pero hindi familiar sa kanya. Ngunit ang nakapukaw sa atensyon niya ay ang mga damit ng mga ito, maging ang kulay ng kanilang mga mata. Katulad ng kay Yuri, blue.



"Maligayang pagdating sa Euthopia." bati ni Yuri nang lumabas siya sa portal. Wala na ang liwanag na nagmumula sa mga kamay niya, naglaho na rin ang portal na pinanggalingan namin. Ngunit nanatiling blue ang mga mata niya. Bahagya tuloy akong napaatras. "Natakot ba kita?" nakangiting wika nito bago naglakad sa may bintana. Binuksan niya ito at nasilaw naman ako sa pumasok na liwanag. "Halika, pagmasdan mo ang kabuuan ng bayan ng Euthopia."

Dahil sa takot na muli siyang iangat nito sa ere, ay nagmamadali siyang lumapit dito.

"Wow.." saad niya sa labis na pagkamangha.

Nasa taas sila ng isang burol, kaya't kitang-kita nila ang kabuuan ng lugar. Hindi ko alam kung dahil lang sa sinag ng araw, pero sa paningin niya'y kumikinang ang buong bayan. Nakakatuwang makita ang mga kabahayan sa ibaba, maging ang karagatang tila pumapalibot sa bayan. Ngunit nagulat siya nang may mapansing kakaiba.

"Ibon ba ang mga 'yun?" turo niya sa mga bagay na lumilipad sa taas ng bayan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ibon ba ang mga 'yun?" turo niya sa mga bagay na lumilipad sa taas ng bayan.

"Ibon ba ang mga 'yun?" turo niya sa mga bagay na lumilipad sa taas ng bayan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi, sila ang mga mamamayan ng Euthopia, tinatawag silang Euthopian."

"P-pero lumilipad sila?!"

Narinig ko naman ang pagtawa ni Yuri.

"Sa mundong ito, pangkaraniwan lang ang mga mamamayang lumilipad Aryesha."

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Kung ganun, hindi pala normal ang mga nakatira dito?"

"Sa lugar na ito, hindi ka normal kapag wala kang ispesyal na kakayahan."

"B-bakit?"

"Anong bakit? Ito ang Euthopia Aryesha, dito mo matatagpuan ang mga katulad mong may kakaibang kakayahan. May mga kumokontrol ng apoy, tubig, hangin, lupa, kidlat at iba pa. May mga nakakalipad, nakakatalon ng mataas, nakakatakbo ng mabilis o di kaya'y nakakalipat mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar sa loob ng isang segundo. At katulad natin, mayroon ring nakakabasa ng isipan o di kaya'y kayang makipag-usap sa pamamagitan ng isipan lamang."

May ganito palang lugar? Akala ko sa mga anime lang nag-eexist ang mga powers powers na 'yan. Akalain mong may mga kamag-anak din pala sa totoong buhay sina Gokou at Vegeta.

"Panatilihin mo sanang sarado ang iyong isipan Aryesha lalo na kapag nagsimula ka ng pumasok sa klase. Wag mong hahayaang mabasa ng iba ang nasa isip mo dahil maaari 'yang pagmulan ng di-pagkakaunawaan." Naguguluhan man, tumango na lang ako. "Nakikita mo ba ang gusaling 'yun na may bandila ng bayan ng Euthopia?" itinuro nito ang building na may bandilang kulay asul at puti, kung titingnan mong mabutiy tila may kung anong shield pa ang nakapalibot dito. "'yan ang Schola, diyan ka mag-aaral."

"Bakit kailangan ko pang mag-aral diyan? Teka, make-credits ba ang mga subjects na na-take ko na sa dati kong school?"

Napailing naman si Yuri.

"Aryesha, simula sa araw na ito, sikapin mong makibagay sa bagong mundong kinabibilangan mo. Kalimutan mo na ang mundo ng mga normal na tao."



**

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now