UNA

245 9 1
                                    


"Talaga, niyaya ka ni Kuya Jeric para maging date niya sa Valentines Day?!" namimilog ang mga matang turan ni Trazy. Jeric Lee, captain ng soccer team ng school and ahead samin ng dalawang taon. Akala ng lahat, including my so-called-best friend na may something between us. Hindi nila alam, he's actually my cousin. At para makaiwas sa fan girls niya, and since close naman talaga kami, ako ang niyaya niya to be his date. "Ikaw na bakla, ang haba ng hair mo!"


Ngumisi naman ako at bahagya pang sinuklay ang mahabang buhok gamit ang mga daliri, natawa naman ang kaharap niya.


"Ang baliw mo talaga. E di ikaw na ang nga ang may ka-date!" nakanguso nitong maktol. "'yung pinsan mo kasi, nilalandi ko na nga't lahat.. ayaw pa akong patulan"


Natawa naman ako sa tinuran nito.


"Alam mo namang napaka-conservative ni Psy." tukoy niya sa isa pang pinsan na ka-edad lang niya. "Ang gusto nun kung sinong maging first girlfriend niya, 'yun na rin ang pakakasalan niya."

"I know, kaya nga nagpepresinta na ako di ba? Ang choosy masyado." nakasimangot nitong komento, bago ako muling binalingan. "Basta ah, kwentuhan mo'ko. Kung ilang minutes kayong nagholding-hands, anong kinain niyo, sinubuan ka ba niya, pinunasan ba niya 'yung gilid ng lips mo, inakbayan ka ba niya o hinalikan ka na agad niya" nanlalaki ang mga matang wika ni Trazy, sabay hampas sa balikat ko.


God, kung alam lang ni Trazy, napaka-gross ng mga iniisip niya.

Mortal sin ang kababagsakan ko kapag nagkataon.


"Hindi naman halatang excited ka no? Ikaw na lang kaya makipag-date.."


Bahagya naman itong natigilan bago magsimulang mamula.


"Talaga, pwede?"


Ngumuso ako.


"Syempre, hindi."


Pinaghahampas na naman ako ni Trazy dahil sa sagot, natatawa na lang ako habang sinasangga ang bawat hampas niya.


Mabuti na lang at may kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase niya at walang pakialam sa paghaharutan nilang dalawa.


"Hoy Tasya, tama na. Masakit na kaya." awat ko sa kanya nang mapansing namumula na ang mga braso ko.


Kinurot pa ako nito bago tuluyang tumigil.


"Tasya pa more! Ang ganda-ganda ng pangalan ko, pinapapangit mo. Last na 'yan ha!" nakabusangot nitong sita. "Namula tuloy, wag mo akong isusumbong kay Psy ah.. baka akalain nun amasona ako." puna nito sa braso ko, saka bahagyang minasahe.

"Amasona ka naman talaga.." ngumisi pa ako bago hinawakan ang kamay niya upang patigilin sana sa ginagawa dahil nakikiliti ako.



"Ilabas niyo ang mga cellphone at wallet niyo. " sigaw ng isang lalaking naka-leather jacket at sumbrero, may hawak itong baril. "Ano?! Walang susunod? Sige.. papatayin ko na lang kayo!" banta pa nito bago itinutok sa sentido ng isang matandang pasahero ang hawak na baril. Lumingon pa ito sa driver nang maramdaman ang binabalak nitong paghinto sa minamanehong bus. "Subukan mong ihinto 'to.. pasasabugin ko ang utak mo bago ka pa makababa"


Tila natakot naman ang driver saka pinagpatuloy ang pagmamaneho. Nagsimula ng mag-iyakan ang mga batang pasahero, walang humpay naman sa pagpapatahan ang kanilang mga ina.. ang ilang matatanda'y taimtim na nagdarasal. Ang mga takot na pasahero nama'y nagsimula ng maglabas ng kani-kanilang cellphone at wallet, kabilang doon si Trazy. Nangangatal na ito at tila nagbabadya na rin ang mga luha sa mga mata.


"Isang maling galaw niyo lang, sama-sama tayong mamamatay" nakangisi pang turan ng di-kilalang lalaki bago ipinakita ang isang button at itinuro ang hulihang upuan kung saan may maririnig na tila timer. "Boom!" tila baliw pa nitong saad na sinundan ng nakakatakot na halakhak.



"Yesha.. ok ka lang, namumutla ka.." untag sa kanya ni Trazy, dahilan kung bakit naputol ang pangitain niya. "t-tara sa clinic?"


Napalunok siya habang tinititigan ang kaibigan.


Naulit na naman..


Akala niya bumalik na sa normal ang buhay niya, pero mukhang mali siya.


Muli na naman niyang nakita ang hinaharap, muli na namang nagparamdam ang itinatago niyang kakayahan.


At ngayon, wala na naman ba siyang gagawin, hahayaan na lang ba niya ang nakatakdang mangyari sa kaibigan?



"M-magsalita ka naman Yesha, tinatakot mo ko. "


Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya saka seryosong tumingin sa kanya.


"P-pwede bang sumabay ka na lang sa'kin, simula ngayon? Susunduin na lang din kita tuwing umaga at mangako kang hindi ka na muling sasakay ng bus. "


She frowned at nagtatakang napatingin sa'kin.


"O-ok ka lang ba talaga?"

"Just say yes, Trazy.. please?"


Mataman pa itong tumingin sa'kin, bago dahan-dahang tumango.


I smiled and closed my eyes.


**


THE CURSED ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon