IKA-APAT

130 9 0
                                    


"Ibibigay mo ba o hindi?"


Awtomatikong napahinto ang mga paa ko sa paglalakad upon hearing Gray's voice, for sure kasi may binu-bully na naman ito. I don't get him, bakit ba niya sinasayang ang buhay niya sa pang-aapi ng kapwa. Wala naman siyang mapapala di ba? Kaya pati akong isang mabuting mamamayan, naaabala niya.


Instead na dumiretso na ako sa classroom, I just found myself walking towards them.


"Hay, mukhang mas gusto mong masaktan ah." maangas na turan nito habang pinapatunog ang mga daliri niya. "Umagang-umaga, pinaiinit mo na agad ang ulo ko."


Nanginginig namang umaatras ang nerd na biktima niya. I don't know him, maybe he's a freshman.


"Ngayon may panginginig ka pang nalalaman, sa tingin mo ba hahayaan kitang makatakas?" akmang susuntukin na nito ang kawawang lalaki nang batuhin ko siya ng suot kong sapatos. "Anak ng---"


Lumingon ito sa'kin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Binalingan ko ang lalaking muntik na niyang mabugbog at sinenyasan na tumakas na. Hindi naman ito nag-akasaya ng kahit isang segundo at mabilis na kumaripas ng takbo.


"Kahit kailan talaga, napakapakialamera mo Roazon." nakasimangot nitong reklamo habang pinupulot ang sapatos kong tumama sa braso niya. "Ibenta ko kaya 'tong sapatos mo."

"Ikaw kaya ang ibenta ko, Abo." singhal ko naman at patalon-talon na lumapit sa kanya. "Akin na, male-late na ako sa klase."


Iiling-iling naman itong lumapit sa'kin. Akala ko iaabot niya lang ang sapatos ko, hindi ko inaasahang luluhod pa ito sa harapan ko at siya pa mismo ang magsusuot sa akin.


"Kung hindi ka lang si Aryesha Roazon, baka pinatulan na kita."


"Ha? Anong sabi mo?" I asked him nang makatayo na siya at bahagyang nakatingin sa'kin.


Kumunot naman ang noo nito at tila nagtataka.


"Wala akong sinasabi."

"I thought you said something."


Umiling ito.


"Alis na, male-late ka na." pagtataboy nito sa'kin.

"Let's go."


Muli ako nitong tinaasan ng kilay na parang may mali akong nasabi.


"Nagpapatawa ka ba Roazon?" he asked.

"Natatawa ka ba, Abo?"


Irita naman itong tumitig sa'kin, pagkuwa'y nauna ng maglakad pero hindi patungo sa classroom namin.


"Saan ka pupunta?!" pahabol ko pang sigaw.

"Wala kang pakialam Roazon." tugon nito nang hindi ako nililingon. "Hindi ako katulad mo na na-eenjoy ang pag-upo sa loob ng classroom maghapon."

THE CURSED ONEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora