IKALABINTATLO

106 9 1
                                    


"At ngayon, humanda na ang lahat dahil magsisimula na ang pagsusulit."


Matapos ang pahayag na 'yun ay nabalot ng liwanag ang paligid dahilan para pumikit ako. At sa pagmulat ng mga mata ko natagpuan ko na lang ang sarili ko sa kagubatan. Mag-isa. Wala na ang katabi kong si Aera, maging ang mga aplikanteng tulad ko. Tanging mga puno na lang ang nakikita ko.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ito na ba ang sinasabi nilang pagsusulit?" I whispered as I step forward. "Bakit wala man lang sinabing rules? Ano naman kayang gagawin ko para makapasa?"


Sinimulan ko na lang maglakad nagbabakasaling matagpuan si Aera o kahit sinong tulad kong aplikante. Hindi ko alam kung praning lang ako pero feeling ko may mga matang nakatingin sa'kin. Pero sa tuwing lilingon naman ako, wala naman akong makitang ibang tao. Ang weird lang.


"Sino siya?"


Maagap akong napahinto pagkarinig sa tinig na 'yun.


"Marahil ay isa sa mga batang nais mag-aral sa Schola."


Muli akong lumingon sa paligid, hinahanap ang pinagmumulan ng mga tinig na 'yun.


"Ano namang kakayahan niya?"

"Hindi ko masabi, ngunit tila mahina."

"Tama, mukhang matatakutin pa."

"Kailangan ba ulit nating makilahok sa pagsusulit na ito?"

"Mukhang ganon na nga, hayaan mo na.. sa tingin ko'y maaari nating siyang gawing pataba."


"Sino yan?!" sigaw ko ngunit umalingawngaw lang ito sa paligid. Wala akong nakuhang tugon. "Sinong andiyan, magpakita kayo!"


Pasimple kong pinulot ang isang sanga sa harap ko at inihanda sa posibleng pag-atake. Muli ko pang iniikot ang paningin ko bago ako naglakad patalikod. Kailangan kong maging alerto. Ngunit hindi ko namalayan ang hukay na nasa daan, muntikan na akong mahulog dito kung hindi lang sa isang pwersang biglang humatak sa'kin pabalik.


"S-salamat.." kumakabog pa ang dibdib na turan ko sa kung sino mang nagmagandang-loob na tulungan ako.

"Walang anuman." malalim nitong tugon na nagdala ng kilabot sa buong katawan ko.


Dahan-dahan akong lumingon dito at kulang na lang lumabas ang mga mata ko sa sobrang gulat.

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now