IKALABING LIMA

107 7 1
                                    


YURI


"Anong nangyari sa kanya?" salubong ko kay Avon. Matapos dumaing ay kaagad nawalan ng malay si Yesha, sinubukan ko siyang tingnan ngunit napaso lang ako sa sobrang init ng buong katawan niya. Wala na akong nagawa kung hindi tawagin si Avon na siyang pinakamagaling na Healer.

"Hindi ba't sa Kagubatan ng Walang Hanggan siya nagmula?" panimula nito na tinugon ko lang ng pagtango. "Nalason siya."


Nakaramdam naman ako ng panlalamig dahil sa narinig.


"N-ngunit nagising na siya kanina, nakausap ko pa nga siya. Paanong---"

"Alam nating hindi basta-basta ang kagubatang 'yun. Nababalot ito ng itim na mahika. Kung totoong nagising siya kanina, masasabi kong isa siyang malakas na bata. Hindi pangkaraniwang lason ang kumakalat ngayon sa katawan niya, kapag hindi natin ito naagapan mamamatay siya."

"K-kung ganoon, gamutin mo siya."


Umiling ito.


"Wala tayong lunas para sa lasong 'yun Yuri."

"Hahayaan na lang natin siyang mamamatay?"

"Kung nais mo talaga siyang iligtas, hanapin mo ang Asclepias Curassavica. Ang katas nito ang tanging lunas para sa lasong kumakalat sa katawan ng batang 'yun. Ngunit ang halamang ito ay matatagpuan lamang sa Kweba ng Chimera."


--


"Hindi ba tayo magpapahinga?" makailang-ulit na tanong ni Eros. "Kanina pa tayong naglalakad Yuri, magdidilim na rin naman hindi ba pwedeng maghanap na tayo ng maaari nating tulugan?"

"Magpahinga ka kung nais mo." tugon ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi naman siguro ikamamatay ng---oh!"

"Hindi siya mamamatay Eros." seryosong tugon ko habang pinalulutang siya sa ere.

"O-oo na, hindi siya mamamatay, hinahanap nga natin 'yung Asclepias Curassavica para sa kanya hindi ba? Kahit na sa Kweba ng Chimera pa ito matatagpuan, kahit na alam nating mahirap kalaban ang nilalang na 'yun. Hindi siya mamamatay kaya s-sige na Yuri, ibaba mo na ako."


Pabagsak ko naman siyang ibinababa dahilan para mapadaing siya sa sobrang sakit.


"Ako ata ang nais mong patayin Yuri." hinaing nito habang tumatayo.

"Manahimik ka na lang Eros." turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.


"Hindi ko nais na dagdagan ang iyong pangamba Yuri ngunit nais kong ipaalam sa'yo na kung hindi pa natin maaagapan ang pagkalat ng lason maaaring mawalan na siya ng buhay bukas bago pa man lumubog ang araw."


"Tatagan mo ang loob mo Yesha.." mahinang dasal ko habang minamasdan ang papalubog na araw.

"Ito na ba 'yun?" tanong ko kay Eros habang nakaharap sa bukana ng isang kweba. Kung hindi lang sa kapangyarihan nitong malaman ang eksaktong lokasyon ng bawat lugar kahit hindi pa niya ito napupuntahan ay hindi ko siya isasama sa paglalakbay na ito. Masyado siyang mareklamo.

"I-ito na nga." hinihingal pang wika nito. "H-hindi ko akalaing makakaya nating marating ang lugar na ito sa loob ng tatlong oras na paglakad-takbo."

"Kung hindi kita kasama'y sana'y kanina ko pa itong narating." turan ko habang naglalakad papasok sa nasabing kweba.

"S-sandali.. mag-iingat ka." habol nito at kaagad tumakbo sa tabi ko.


Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay sinalubong na kaagad kami ng isang nilalang na may tatlong ulo; ulo ng lion, ulo ng kambing at ulo ng isang hindi pangkaraniwang ahas. Ang Chimera.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Sino kayong nangangahas pumasok sa aking kweba?" malakas na saad nito habang kumikislap ang anim na mata.


Bahagya kaming napaatras ng walang babala itong nagbuga ng apoy kasabay ng malakas na hangin dulot ng pagpagaspas ng mga pakpak nito. Kung hindi kami nakapagtago at nakakapit sa isang bato'y tiyak na masusunog kami o di kaya'y malilipad palabas ng kweba.


"Harapin mo ang halimaw na 'yan, kailangan kong hanapin ang Asclepias Curassavica. " wika ko kay Eros na nasa tabi ko. "Alam mo ba kung saang parte ko ito matatagpuan?"

"T-teka, iiwan mo ako dito? Paano kung sunugin ako ng halimaw na 'yan?!"

"Wag mong sabihing natatakot ka?"


Napalunok naman ito at napipilitang umiling.


"Kukunin ko ang atensiyon ng Chimera upang makadaan ka dumiretso ka lang mula rito. Kapag nakakita ka ng daan sa kaliwa, sundan mo ito.. sa dulo nito'y may makikita kang kapatagan kung saan sagana sa Asclepias Curassavica. Oras na makakuha ka tumakbo ka kaagad pabalik rito dahil may mga patibong na nakahanda para sa kung sinumang mangangahas pumasok sa kwebang ito. At higit sa lahat, wag na wag kang lilingon. Naiintindihan mo ba?"


Tumango ako at muling sinilip ang nag-aabang na halimaw.


"Manatili ka sanang buhay habang wala ako." nakangisi kong baling sa kanya. "Gawin na natin."



**

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now