IKALABING APAT

97 8 1
                                    


"Ah!" habol ang hiningang nagmulat ako ng mga mata.

"Mabuti naman at nagising ka pa. Akala ko'y tuluyan ka ng mawawalan ng buhay." taas-kilay na salubong sa'kin ni Yuri.

"Ang sama ng panaginip ko Yuri, akalain mong muntik na akong patayin ng mga halimaw na puno. Akala ko talaga totoo."


Mas lalo namang tumaas ang kilay nito at bahagyang pinindot ang balikat ko.


"A-aray!" daing ko. Napatingin ako sa braso ko, may mga galos ito. May benda rin ako sa dibdib na nakapaikot hanggang sa likod ko. Saka ko naman napansin ang lugar na kinalalagyan ko. Hindi ito ang kwarto sa bahay ni Yuri, kahawig ito ng school clinic namin. "Ibig sabihin, hindi 'yun isang panaginip? Teka, anong nangyari sa pagsusulit? Nasaan tayo?"

"Andito ka sa pagamutan ng Schola at limang araw ka ng walang malay." Iiling-iling na saad nito. "Nakapasa ka nga sa pagsusulit ngunit halos hindi na kita nakilala ng bumalik ka."

"N-nakapasa ako sa pagsusulit? Pero paano? Wala nga akong nagawa laban sa mga punong 'yun, ginawa lang nila akong bola. Sinaktan nila ako ng paulit-ulit!"


Seryoso namang tumingin sa'kin si Yuri. Nakaka-intimidate talaga ang mga mata niya. Bakit kasi kulay blue?!


"Walang nakakaalam ng pinagdaanan mo, sinubukan kong alamin sa pamamagitan ng pagsilip sa iyong isipan ngunit wala akong nakitang kahit ano. Marahil ay bahagi ito ng pagiging sagrado ng mga ginagawang pagsusulit. Nakapasa ka dahil nakabalik ka sa Schola kahit wala kang malay at malapit ng malagutan ng hininga. Iyon lang ang mahalaga sa pagsusulit na ito; ang makabalik ang isang aplikante."


I frowned.


"So kapag hindi ako nakabalik, ibig sabihin bagsak na ako. Kung nagkataong hindi ako nakabalik, hahanapin mo ba ako?" bulalas ko.

"Hindi."


Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman siya natinag at muling nagsalita.


"Kapag hindi nakabalik ang isang aplikante, iisa lang ang ibig sabihin noon.. namatay na ito."

"Ibig mong sabihin, isinalang mo ako sa pagsusulit na ito kahit alam mong posible ko itong ikamatay?"


Maagap namang tumango si Yuri.


"Ang sama." I whispered.

"Alam ko namang hindi ka mamamatay. Alam kong makaliligtas ka." hirit nito na ikinangiti ko. "Ngunit nakapagtatakang hindi naglaho ang mga pinsalang natamo mo." saad nito habang hinahawakan ang isa kong pasa. "May kinalaman kaya ito sa taong nagsumpa sa mga punong 'yun?" mahinang turan nito.

"A-Ano bang sumpa 'yun? Isinumpa ba silang maging halimaw?"


Tumingin muna sa paligid si Yuri, tila sinusuri kung may nakakarinig ng pinag-uusapan namin.


"Isinumpa ang kagubatang 'yun ng matalik na kaibigan ng Hari labing-pitong taon na ang nakararaan. Tinawag itong Kagubatan ng Walang Hanggan dahil hindi namamatay ang mga puno sa lugar na 'yun. Walang kahit anong mahika ang tumatalab sa kanila."


Bahagya pa akong nagulat ng marinig ko sa isip ko ang boses ni Yuri.


"Ipinagbabawal ang pagkukwento tungkol sa kanya. Kung sakali mang may makarinig sa'tin, tiyak na mapaparusahan tayong dalawa. Kaya mas mabuti na ang mag-ingat, siguraduhin mo lang na nakasara para sa iba ang isip mo."


Tumango ako.


"Kung ganon, paano akong nakaligtas? Ang naaalala ko bago ako nawalan ng malay, bumalik na sila sa dati nilang anyo. Naging ordinaryong puno na lamang sila, sinabi pa nilang tila nawala ang sumpa."


Hindi naman nagpakita ng kahit anong pagkagulat si Yuri ngunit tila nag-iisip ito.


"T-teka, nagagawa kong makipag-usap sa'yo sa pamamagitan lamang ng isipan?!"


Napangiwi naman si Yuri.


"Gusto mo ba akong mabingi?" reklamo nito na tinugon ko lang ng peace sign. Pumikit lang ito at muling nagsalita. "Tungkol sa mga punong 'yun, sigurado ka bang wala kang ginawa? Walang kahit anumang mahika ang lumabas mula sa'yo? "


Umiling ako. Hindi na naman nagsalitang muli si Yuri, kaya naisipan kong magtanong.


"Ano nang nangyari sa lalaking nagsumpa sa kagubatang 'yun? Namatay na ba siya?"

"Wala na akong narinig na kahit ano tungkol sa kanya. Ang alam ko lang labing-pitong taon na ang nakakaraan nang magsimula ng kaguluhan ang lalaking 'yun. Gamit ang itim na mahika, pinamunuan niya ang isang digmaan. Nilusob niya ang Euthopia ngunit ang totoong pakay niya ay ang palasyo, para sa Mahal na Reyna. Sinubukan niyang kunin si Reyna Selena subalit nabigo siya ngunit ang naging kapalit naman nito'y ang buhay ng Inang Reyna. Nagluksa noon ang buong kaharian at nahirapang muling bumangon ang Euthopia."


Hindi mo mahahalatang may malagim palang pinagdaanan ang bayang ito. Bukod sa nakamamanghang kakayahan ng mga mamamayan, hindi rin maitatago ang kagandahang angkin ng lugar.


"Ang paniniwala ng lahat ay nananatiling buhay ang lalaking 'yun at nagpapalakas lang. Ang pagsasanay sa Schola ay bahagi ng paghahanda para sa susunod na pag-atake niya. Kaya't piling-pili lamang ang nakakapasok dito. Sinasanay sila para protektahan ang Euthopia kahit ang maging kapalit nito ay ang sarili nilang buhay."


Napalunok ako sa sinabi ni Yuri. Handa ba akong mamatay para sa lugar na ito? Hindi, ang tamang tanong pala, may magagawa ba ako para protektahan ang Euthopia? Kung ang kaibigan at mga magulang ko nga hindi ko naprotektahan, buong bayan pa kaya?



"Ack!" daing ko ng maramdaman ang pagkirot ng dibdib ko, tila may kung anong likido ang dumadaloy dito at sinusunog ang kalamnan ko. Sobrang init!

"A-anong nangyayari?" rinig kong turan ni Yuri.


Umiling lang ako at nagsimula ng manlabo ang paningin ko.



**

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now