IKALIMA

129 7 1
                                    



"Aryesha Roazon, sabihin mo nga sa'kin ang totoo, may sakit ka ba? Cancer? Leukemia? May taning na ba ang buhay mo?" O.A. na saad ni Trazy habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. "Kaya ba masyado kang mabait sa'kin this past few weeks? Aish, bakit ba ngayon ko lang naisip 'yun?"

" Trazy Kumutan.. "

"Ano? Teka, ito na ba ang part kung saan sasabihin mo ang mga huling kahilingan mo? Kung anong kulay ng kabaong mo? Kung anong bulaklak ang gusto mo? Kung saan ka ililibing? Ito na ba 'yung moment na 'yun Yesha?"


Kung hindi lang ako nanghihina, nasapak ko na siya.


"Ang mabuti pa Miss, bumalik ka na muna sa klase mo, hayaan muna nating makapagpahinga ang kaibigan mo." singit ng school nurse.


Nakanguso namang bumaling sa'kin si Trazy.


"Babalik ako mamaya, wag kang titigil sa paghinga Yesha, masasapak talaga kita." banta pa nito bago tuluyang tumayo at dahan-dahang lumabas.


Tatlong-araw na akong pabalik-balik sa school clinic na ito, hindi kasi tumigil ang mga boses na naririnig ko. Kahit sa bahay, hindi man magsalita sina Yaya, Mama at Papa, nakapagtatakang naririnig ko ang mga boses nila. Lalo pa akong na-nonosebleed dahil panay medical terms pa ang naririnig ko mula sa mga magulang ko. Wala naman akong ibang mapagsabihan, dahil alam kong walang maniniwala.


"Kath, ako na ang bahala sa kanya. Dumiretso ka na lang sa hospital ni Dr. Lauro para sa mga hinihingi nating gamot." rinig kong turan ng isang pamilyar na boses sa aming school nurse.

"Sige, dadaanan ko na rin si Mama, hindi pa rin kasi stable ang blood pressure niya."

"Mag-iingat ka, ikumusta mo na lang ako kay Tita Lily."


Maya-maya nga'y bumungad sa'kin ang mukha ng may-ari ng boses na 'yun.


"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa'kin, habang sinusuri ang dextrose na nakakabit sa'kin.

"Alam mo ba kung bakit nangyayari sa'kin 'to?" I asked her, pakiramdam ko kasi alam niyang may nangyayari sa'king kakaiba.

"Ang pagdurugo ng ilong at tainga mo ay maaaring dulot ng sobrang stress o dahil sa init ng panahon. Uminom ka palagi ng tubig at wag kang magbabad sa initan."

"H-hindi 'yun ang ibig kong sabihin." turan ko. "B-bakit mo ako binigyan ng MP3 noong isang araw, may alam ka ba? Mapapagaling mo ba ako?"


Ngumiti ito sa'kin.


"Wala ka namang sakit Aryesha. Kung ang tinutukoy mo naman ay ang kakayahan mong makarinig ng iniisip ng isang tao—"

"K-kakayahang makarinig ng iniisip ng isang tao? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ba't 'yun ang nangyayari sa iyo ngayon? Naririnig mo ang iniisip ng isang tao Aryesha. Hindi ba't iyon din ang nangyari sa'yo nung araw na makita kita?"


Mariin akong napapikit. Hindi kayang tanggapin ng utak ko ang mga sinasabi niya. Ano na naman bang parusa ito?!


"Wag mong isiping pinarurusahan ka Aryesha, maaaring hindi mo pa naiintindihan sa ngayon, pero naniniwala akong may dahilan ang lahat ng ito."

"T-teka, naririnig mo rin ba ang iniisip ko?!"


Natawa naman ito.


"Parang ganun na nga, pero mas malawak pa rin ang kakayahan mo kesa sa'kin."

"I-ibig bang sabihin, hindi lang ako ang ganito, hindi lang tayo? Kung ganun, anong tawag sa'tin? Hindi naman siguro tayo nakulam di ba?"


Muli naman itong natawa at napailing.


"Wag kang mag-alala, masasagot ang mga katanungan mo sa tamang panahon. Hindi ka nag-iisa Aryesha, tutulungan kita. Hanapin mo lang ako kung may kailangan o katanungan ka."


Akmang tatalikod na ito nang pigilan ko.


"Itatanong mo ba ang pangalan ko?" nakangiti pa niyang saad, tumango na lang ako dahil alam kong nabasa na niya kung ano man ang nasa isip ko. "Ako si Yuri."

"Yuri, anong gagawin ko para hindi ko na marinig kung ano man ang iniisip ng ibang tao?" I asked. "Hindi ko kasi kaya, kapag nagsasabay-sabay na ang boses nila feeling ko sasabog na 'yung utak ko. Wala bang way, para hindi ko na sila marinig?"


Mataman naman itong tumitig sa'kin at nanatiling tahimik ng ilang minuto. Hindi ko tuloy alam, kung binabasa ba niya ang iniisip ko o nag-iisip lang talaga siya.


"Subukan mong isara ang isip mo. Tulad ngayon, lahat ng iniisip mo, nababasa ko. Ang gulo ng utak mo, sa totoo lang hindi nakakatuwang basahin." humagikhik pa ito na parang bata. "Paano mo gagawin 'yun?" tumango ako. "Imagination. Isipin mo na may pinto 'yung isip mo, tapos unti-unti mong isara. At kung may gusto ka mang ipabasa o iparinig, mag-iwan ka lang ng konting siwang."


Medyo gets ko naman ang point niya, hindi ko lang alam kung paano gagawin. But, wala naman akong ibang choice. Sa ngayon, siya lang naman ang pwede kong pagkatiwalaan.


I closed my eyes at inimagine na may pintong nakapalibot sa utak ko. I closed them one by one, sinubukan ko pa ngang isipin na may lock ang bawat isa, kung hindi lang ako na-distract sa muling paghagikhik ng taong kasama ko.


"Sorry. Ang cute mo kasi." wika nito nang mapansin ang pagmulat ko. "But, you did a good job. Wala na akong masyadong mabasa, ngayon naman subukan mong pakinggan ang nasa isip ko. "


"Natutuwa akong makilala at makausap ka Aryesa Roazon, maging matatag ka simula ngayon. Wag kang papatibag sa mga susunod na mangyayari. Kailangan mong maging matatag."



**

THE CURSED ONEWhere stories live. Discover now