IKAWALO

116 9 0
                                    


"Hindi ka pa rin ba kakain? Mula paggising mo'y wala ka ng ibang ginawa kundi ang umiyak. Hindi ka ba napapagod?"


Mula sa sumasayaw na kurtinang nakasabit sa nakabukas na bintana ay nabaling ang tingin ko kay Yuri. Muli siyang naglapag ng pagkain sa tabi ko samantalang hindi ko pa nagagalaw ang pagkaing dinala niya kagabi. Kung hindi lang niya bahay ito, malamang nagdabog na ako at pinagbabato ang mga platong dinadala niya.


"Mamahalin ang mga pinggang 'yan. Isang buwang sahod ko ang katapat." turan niya, mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.


Dahil sa mga nangyari'y nakakaligtaan ko nang isara ang aking isipan, malaya niya tuloy na nababasa ang mga hinanakit, pangungulila at pagluluksa ko.


I ignored her remark at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga, naupo naman siya sa tapat ko.


"Alam mo ba, regalo ito sa'kin nina Mama at Papa." I sadly smiled while staring at my phone na himalang nakaligtas din sa aksidente. "Birthday gift nila sa'kin last year." binuksan ko ang Gallery nito at bumungad ang masasayang picture niya with her family. "Mabuti silang tao. Magaling na doctor. Responsableng magulang. Kahit pareho silang busy, hindi sila nakakalimot tumawag para lang kumustahin ang araw ko, para i-remind ako to eat my lunch or my dinner o para makinig sa mga kwento ko about Trazy." I sighed. "Tapos anong sinukli ko.. I killed them Yuri."

"Hindi mo kasalanan Ayesha."

"Gusto ko silang makita. Alam mo ba kung saan sila nakaburol?"


Umiling si Yuri.


"Sa nangyaring pagsabog ng eroplano, imposible nang mahanap pa ang katawan ng mga magulang mo."

"P-pero bakit ako, wala man lang akong kahit maliit na galos" mahina kong wika, pilit nilalabanan ang panginginig ng aking kalamnan.

"Dahil hindi ka pangkaraniwang tao, Aryesha."


Marahas akong napalingon sa kanya at pilit na tumawa.


"Kung ganun, ano pala ako? Engkanto? Multo? Magician? Aswang?" unti-unti na namang nanlabo ang aking paningin dahil sa muling pagbabadya ng mga luha ko. "Kung alam ko lang na hindi rin pala ako mamamatay, sana'y pinigilan ko na sina Mama na ituloy ang pag-alis ng bansa."


Matapos ang libing ni Trazy, napanaginipan ko ang plane accident na nangyari. It was five days before our flight. Malinaw kong nakita ang biglaang pagsama ng panahon, ang pagtama ng kidlat, ang pag-apoy ng ilang bahagi ng eroplano at ang pagsabog nito. Selfish ba ako dahil hindi man lang ako nag-effort na iligtas sina Mama at ang mga inosenteng taong namatay sa trahedya? Selfish ba ako dahil ginusto kong mamamatay kasama ang mga magulang ko? Hindi ko nailigtas noon si Trazy, that's why I decided to be with them, hindi ko man mapigilan ang nakatakdang mangyari at least kasama ko sila, kasama ko silang mawawala. But then I failed, dahil ngayon buhay ako't humihinga pero sila, wala na.


"Hindi mo mababago ang nakatakda na Aryesha. Hindi mo magagawang baguhin ang kapalaran ng mga tao."

"Bakit pa ako nagkaroon ng kapangyarihang makita ang hinaharap kung hindi ko rin pala maliligtas ang mga taong mahalaga sa'kin? Bakit Yuri?! Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Bakit kailangang ako ang maiwan?"


Hindi siya sumagot, tinapik niya lang aking balikat at hinayaan akong maglabas ng sama ng loob.


"G-gusto kong umuwi sa bahay." I told her after a while.

"Hindi maaari, ang alam ng lahat ay patay ka na."


Ang alam ng lahat ay patay ka na. Kung ganun, paano na ako mabubuhay ngayon? Ibig bang sabihi'y hindi na ako makakapasok sa school? Hindi na ako pwedeng mag-mall, magsimba o magpunta sa mga concerts? Hindi ko na pwedeng puntahan si Psy o si Kuya Jeric? Hindi ko na mapipigilan si Abo sa pam-bubully? Then why? Bakit pa ako binuhay kung wala na naman pala akong babalikan?!



"Sumama ka sa'kin, babalik na tayo sa lugar kung saan ka nararapat."



**

THE CURSED ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon