IKALABING-ANIM

158 7 2
                                    


"S-sino ka?" tanong ko sa nilalang na biglang nagpakita sa harapan ko matapos kong makakuha ng sapat na Asclepias Curassavica. "Isa ka ba sa mga alagad ng Chimera na nagbabantay sa kwebang ito?"


"Mag-iingat ka Yuri, bumalik ka kaagad." muling paalala ni Eros habang inaapakan ang anino ng Chimera kung kaya't hindi nito magawang bumuga ng apoy o igalaw man lang ang mga pakpak nito. "Hindi rin ako sigurado kung hanggang kailan ang itatagal ng kapangyarihan ko sa kanya."


Naalala kong turan ni Eros bago kami maghiwalay kanina.


Kailangan ko ng makabalik baka nagawa na ng Chimerang makawala sa kapangyarihan ni Eros. Kung magtatagal pa ako dito'y dalawang buhay ang tiyak na manganganib.


Hahakbang na sana ako palayo sa nilalang na iyon ng bigla itong magsalita.


"Hindi mo na ba ako nakikilala?"

"Paano kita makikilala kung natatakluban ng iyong kasuotan ang iyong mukha?" tanong ko rito. "At kung kilala man kita, ibig sabihin ay hindi ka isang kaaway."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakita ko naman ang ngiting sumilay sa mga labi nito, hindi ito bahagyang natatakluban ng kanyang kasuotan. Tanging ang itaas na bahagi ng mukha nito ang nananatiling nakatago.


"Hindi lahat ng iyong kakilala ay isang kakampi." makahulugang saad nito. "Ikaw, bakit binubuwis mo ang iyong buhay para sa kanya? Nakikilala mo ba talaga siya? Alam mo ba ang tunay niyang katauhan? Hindi mo ba naisip na maaari mo siyang maging kaaway kapag dumating na ang itinakdang oras?"

"Anong ibig mong sabihin? At bakit kita pakikinggan, hindi naman kita----" naputol ang aking sinasabi ng bigla niyang tanggalin ang kanyang kasuotan, dahilan para makita ko ang kanyang mukha.


Hindi ko namalayang nabitiwan ko na pala ang hawak kong Asclepias Curassavica habang napapangangang nakatitig sa kanyang mga mata. Sa asul niyang mga mata.


--


YESHA


"Yesh!" nakangiting kumapit sa braso ko si Trazy. "Bakit ngayon ka lang?"

"T-teka, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't.. hindi ba't.."

THE CURSED ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon