CHAPTER 1

179 10 7
                                    

ROSETH'S POV



"Roseth! Wala ka bang kasabay?" sigaw ni Gianna sakin. Hindi pa nga ako nakakaupo e. Hawak-hawak ko pa yung tray pero pinili ko pa ring linungin siya at sabihin sa kanya na "Oo. Wala akong kasabay. As the usual"

"Good! Ipa-take out mo 'yan." Bigla niya lang inagaw sakin yung tray ng pagkain. Tila ba nabasa niya ang kalituhan sa mukha ko kaya bigla niyang sinabi kay Manong tindero na.. "Itong lahat ng to,ako na ho ang magbabayad para sa kanya. Ibalot niyo ho at paki-dagdagan."





Pakiramdam ko, isang malaking insulto ang pagkatao ni Gianna sa kin. We're friends but we're totally opposite.



Alam niyo yon? Yung feeling na siya napakayaman, napakaganda,napakabait, napakatalino at napakasexy pa. Kung itatabi ako sa kanya, malamang sa malamang ay mapagkakamalan akong 'chimimay'

"Hindi mo naman kailangang bayaran 'to,Gianna. May pera pa naman ako."




"I know that your disgusting father steal your money. Tapos hindi mo man lang sinasabi sakin yon. What am I to you,Ross?" yan na naman ang pag-uusapan namin. Magtatampo, mag-aaway at magkakabati. Para kaming real version ng mga topaking mag-bestfriends sa mga movies.

"Sumama ka sakin mamaya." she coldly walked. Tinungo niya ang puwesto ko atsaka nito inabot yung brown paper na naglalaman ng pagkaing siya ang nagbayad. "Here. Take this, Roseth. Sumama ka sa akin mamaya. All you need is to accompany me, akong bahala sayo." she winked at me.

Imbes na maginhawaan ako sa ginawa niya, para akong mas lalong nabigyan ng tigatig. Bumeso siya sakin at kaagad na tumakbo, sa huling sandali, kumaway ito at sumigaw. "See you later,bestfriend! Doon tayo ulit sa dati!"

******

Alasingko na ng hapon at naghinay-hinay ako sa pagbubukas ng sarado kong kuwarto. Wala pa si Kuya kaya pwede akong umalis, tanging ang tulog na tulog kong tatay ang narito kaya makakatakas ako. Lasing na naman kasi ito kaya di nito mamamalayang aalis ako.

"Dito ho ba nakatira si Rudolfo Ocampo?" bigla akong napatingin sa tatay ko na himbing na himbing na nakahandusay sa malamig na sahig.

Ano na naman kayang nagawa ni tatay at may huma-hunting na naman sa kaniya?

"Aah. Opo, dito nga po siya nakatira. Bakit po ba?" sa tantiya ko, si Ate Angel yon. Kilala ko ang boses niya, kaya di ako magkakamali na ito nga ang sumagot.

"We're here to get his daughter." Wala yata akong marinig ng mga oras na yon kung hindi yung mga salitang yon lang. Kaagad akong dumaan doon sa back door ng bahay namin. Isang talahiban yon at kung hindi ka sanay dumaan, maliligaw ka. Sanay na kong dito dumaan kapag may mga ganitong sitwasyon. Di lang isang beses ko tong ginawa. At kahit sino pang humabol sa kin ng dahil sa mga atraso ng tatay ko, sisiguraduhin ko sa kanilang hinding-hindi nila ako mahuhuli.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makadating ako sa baku-bakong daan, tuyong batis ito at sa tuwing tag-ulan lang to nagkakaroon ng tubig. Medyo madilim na kaya napa-upo ako doon sa malaking bato.

Sa totoo lang, sawang-sawa na kong tumakbo. Sawang-sawa na akong mamuhay kasama ang tatay ko na wala ng ibang ginawa kung hindi bigyan kami ng pasakit at sakit ng loob. He's a total burden on us. Sana na lang, hindi na lang ako binigyan ng buhay kung ganito lang din siya sa amin. Napaka-iresponsable niya, gusto ko siyang turuan ng leksyon! Pero sino ba ako para gawin ang bagay na yon?

In the end of the day, isa lang akong anak niya na may responsibilidad na galangin siya despite of everything. Sa kabila ng lahat ng kasalanan niya samin ni Kuya na ililista na lang yata namin sa tubig dahil nga sa tatay namin siya.

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now