CHAPTER 6

45 6 0
                                    

PALAGI NA LANG NAGLALAHO ANG MGA TINYPE KO.. HUHUHU.

CHAPTER SIX:

Natapos ang klase namin nang hindi ko nakikita si Gianna. I mean, parang absent yata siya dahil pati sa gym ng School ay wala siya.

Kasalukuyan kong naglalakad at nakalabas na 'ko ng campus nang bigla kong maalalang nakalimutan ko pala 'yong flashdrive ko doon sa isa kong kaklase. Kailangan ko siyang balikan dahil importanteng files ang nandoon.

"Roseth!" napalingon ako sa may ari ng boses na 'yon. Kahit saan yata ako naroroon ay nakasunod pa rin ang taong ito sa akin. 'yon ay dahil sa kadugo ko siya, at wala na akong magagawa pa.

"Tay, ba't po kayo narito?"

"Peste. Kailangan ko ng pera ngayon dahil may naiwan pa 'kong utang sa tindahan ni Aling Rosa." umatras ako dahil sa pagkompirma niya kung bakit siya nagpakita sa akin. Pera na naman.

"W-wala po akong pera, hindi ko pa po nakukuha—"

"Problema ba 'yon?! Edi humingi ka sa mayamang boypren mo." nginisian niya ako bago pasadahan ng tingin. Nailang pa ako sa paraan ng pagtitig niya sa buong katawan ko. "Ano? Tatayo ka na lang ba diyan? Puntahan mo 'yong boypren mo at maghingi ka na"

"Hindi na po siya nag-aaral dito. At wala akong balak humingi ng kahit singko sa kanya." tinaasan ko siya ng kilay. Aalis na sana ako kaso ay bigla niya akong hinawakan.

"Osige. Ayaw mong humingi? Sumama ka na lang sa akin. Makulit ka pa!" saka niya ako hinila palayo sa entrance ng School,

"Itay,hindi po ako pwedeng sumama. M-may klase pa 'ko." pagsisinungaling ko. Kinakabahan talaga ako dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari ngayon.

Hindi siya nakinig sa mga paliwanag ko. Basta tuloy-tuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin hanggang sa dalhin niya ako sa isang lumang kotse. May sakay 'yon. Mga nasa tatlong lalaki. Isang mahaba ang buhok, may tattoo sa braso at isang may depekto sa mata ang sakay ng kotse.

Ito na yata ang katapusan ng malikigayang araw ko sa piling ni RM. Parang pinapasukan ako ng malamig na hangin sa buo kong katawan nang ngumisi ang tatlo

"Siya na ba si Rossie?" tanong ng lalaking mahaba ang buhok. Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Tatay.

Pakiramdam ko naman ay hindi  niya ako ibibigay sa mga ito kapalit ng maliit na halaga lang. Iyon ay kung anak talaga ang turing niya sa akin. Hindi ko alam. Hindi ko hawak ang takbo ng isip niya.

"Oo. Relax lang kayo. Hindi tayo pwedeng galawin ni Mao hangga't nasa akin ang anak ko." tumigil ang tatay ko sa pagsasalita at umatras.

"Ngayong naipakita ko na ang anak ko, hindi niyo na 'ko pwedeng sisihin, nagkakaintindihan ba tayo? Ako ang boss niyo dito kaya ako lang ang susundin niyo."

Tumawa silang tatlo at sabay din silang huminto.

"Nasaan ang perang sinasabi mo, Rudolfo? Huwag mong ipagmalaki sa amin ang anak mo. Baka hindi ako makapagpigil at makalimutan kong nasa publikong lugar tayo ngayon. Papatayin kita."

Talaga bang pinagbabantaan niya ang buhay ng tatay ko sa harapan ko?! Wow.  Dumoble tuloy ang kaba at takot na nararamdaman ko.


"May kasalanan ka pa sa isa. At anak ko lang din ang pwedeng umabswelto sa 'yo kaya nasa akin pa rin ang huling baraha, pare!" sagot ng tatay ko. Nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin na para bang ipinagmamalaki niyang anak niya ako.

"..girlfriend siya ng isa sa kanila."

"Itay!" suway ko. "A-ano bang ginagawa mo?!"

"Manahimik ka, pagbilang ko ng tatlo. Tumakbo ka na at akong bahala sa mga ungas na 'to. Hanapin mo ang kuya mo at sa kanya ka muna umuwi." he whisper those words for the first time. Damang-dama kong natatakot siya para sa kapakanan ko. Ngayon ko lang naramdaman na sincere siya.

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now