CHAPTER 11

24 5 0
                                    

Chapter Eleven

Walang malinaw na sagot si Draco sa hiling ko. Pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon ay tumahimik lamang siya. Hindi rin ako nagtangkang mamilit at magsalita pa. Nakarating na lamang ako sa bahay ni RM na tulala at hindi makapagsalita.


"Mag-lock ka ng pintuan, babae. Tumayo ka na diyan at pumasok kana." Bilin niya.

Nagkibit balikat ako sa kanyang utos, wala akong balak sundin yon dahil gusto ko lang namang magpahangin. Sana naman ay huwag ng ipagkait sa kin ang ma-enjoy ang kapreskuhan ng lugar. Matagal akong hindi nakahinga ng ganito kaluwag sa buong buhay ko kaya sana, hayaan na niya akong i-appreciate ang mga bagay na dati'y hindi ko napapansin.

Ugong ng sasakyan ang narinig kong tugon. Hudyat na paalis na si Draco. Muli, nag-iisa na naman ako dito sa bahay kung saan ako iniwan ni Monchier. Ang sama niya. Ang sama-sama niya. Bakit hindi man lang niya ako abisuhan sa mga gagawin niya? Is my opinion matters to him? Bakit sila lang ang nagdedesisyon para sa bagay na yon? Am I not involved?


Padabog akong tumayo at kinalkal sa bagpack ko ang susi ng clubhouse. Mabigat sa kalooban kong binuksan ang pintuan. Ngunit tila ba magaan lang ako sa taong hindi ako hinayaang maabot ang switch. Hinila niya ako at kaagad na tinakpan ang bibig ko upang di ako makasigaw!

"Hmmmnp! Hmmmnp!" Panay ang hampas ko sa pagmumukha ng nakapasok sa clubhouse! Only to my dismay, he's so strong. Hindi man lang siya natinag sa panlalaban ko. Tila napuno na sa kin ang estranghero kaya niya ako inipit sa katawan niya at sa malamig na pinto. Kung kanina'y napakaraming hangin ang aking nalalanghap, ngayon parang papanawan nako ng ulirat!

Ayaw ko pang mamatay.. hindi sa ganitong paraan ako pwedeng mamatay.

Bumuhos ang takot ko at inaalala na lamang ang masasayang araw ko buong buhay ko. Kahit ilan lamang yon. I was so scarred all my life, sugat na mula sa tatay ko, sugat galing sa mga taong wagas kung makapanlait sa pamilyang pinanggalingan ko. Am I supposed to experienced those things?

"Pakawalan mo ko!" sabi ko na ungol lang ang dating dahil nakatakip pa rin ang bibig ko.

Tuluyan ng pumatak ang luha ko dahil sa takot.. hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong laban sa kanya. Ipinaubaya ko na lamang sa kanya ang aking sarili at itinigil ko na ang panlalaban. Tutal naman, kung mamamatay man ako ngayon , wala ng rason para habulin sina itay at kuya ng sindikatong na-agarabyado niya. Magandang ideya hindi ba?


"Sssh. It's me..."

Iminulat ko ang mata ko at nakita kong lumiwanag na ang buong paligid. Nakababa na ang face mask na suot nito at tumambad sa kin ang bagong version ni Monchier. Kung dati'y naghuhumiyaw sa Dark and danger ang aura niya , ngayo'y tila nadagdagan pa yon ng iba pa. Death is screaming all over this place now. Ang puting benda sa kaliwang palad nito, ang clean cut niyang buhok at indifference sa mata. The hoodie is now on his back and I can say na siya yung lalaking nakita ko kanina.





Gusto ko siyang yakapin pero tama bang gawin yon? Sa tuwing naalala kong mahigit isang linggo niya kong pinag-alala, parang gusto ko siyang suntukin. I need to reserved my self now.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”

His expression remain restrained. Pabalya kong inalis ang hawak niya sa king braso. Tuloy-tuloy akong naglakad. Ayaw ko siyang tignan. Dahil feeling ko, kapag ginawa ko yon ay .. magbabago ang isip ko.

“Aalis na ko kung yan ang gusto mo.”

Pati boses niya, nag-iba na. There’s something on his way he delivered words. It is … sexier than before!

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now