CHAPTER 5

41 6 0
                                    


Chapter five:

His deep set brown eyes stares at me. Parang hindi niya ako papakawalan kahit pa magmaka-awa ako ngayon.

"Anong ginagawa mo rito?!"

"Hindi ka talaga sasagot!" biglang sumigaw ako sa isip ko nang bigla niya akong buhatin at ilagay sa loob ng antique jar. Mas malaki at hanggang leeg ko ang taas. Akmang isasara na niya 'yon pero tumayo ako para pigilan siya. Buong lakas ng loob ko siyang tinitigan.

"fine! Fine." my heart started to beat faster. "G-girlfriend ako ni M-monchier."

Sukat doon sa sinabi ko, itinaas niya ang takip ng Jar at biglang pinalipad sa direksyon ko. Primarily, dapat ay yumuko ako at umilag sa lumilipad na takip ng jar. Pero super na-overwhelmed siguro ako kaya nanatili lang akong tulalang naghihintay sa pagtama ng bagay na yon sa aking mukha.

"Fuck!" sigaw ng kung sino sa bandang kanang direksyon ko. "Stupid!"

Napakabilis niya, tumakbo siya sa direksyon ko at sinalo ang takip na mukhang mas mahal pa kesa sa aking buhay. Nakita ko kung paano ingatan ni Monchier yon upang di mabasag.

"Yes.." yung lalaking nambato na nakangisi kay Monchier ang nagsalita. "Your girlfriend is so stupid."

"Hindi mo dapat ginawa 'yon,Draco!" bigla niyang iniwan ang takip doon, pagkatapos ay buong lakas niya akong inalis doon sa jar.

"Bakit ka lumabas,uncle?" tanong ni Monchier sa lalaking tinawag niyang Draco kani-kanina lang. Uncle pero mukhang kasing edad lang namin.



"Ikaw, bakit ka nagpapasok ng babae dito ng hindi alam ng Mommy mo?" maanghang na balik tanong ni Draco saka siya tumingin sa akin at sa kamay kong mahigpit ang kapit sa polo ni RM.

"Marami kang dapat ipaliwanag sa akin,Monchier. I need to see Gianna. Galing siya sa  Cauma kagabi."

"Saka na natin pag-usapan ito,  uncle. I need to get her out of here."

"at huwag mo na rin siyang papuntahin dito. I know who she is. Hindi mo ba alam na—"

"Im working on it." putol ni RM sa sasabihin ng lalaking ito. Bigla niya akong hinapit sa bewang. Hindi ko gusto to. Parang sila lang dalawa ang nakakaintindihan sa pinag-uusapan nila.

"I've already made a deal to them,uncle. Hindi kayo masasabit ni Papa dito."

The guy took off his hoodie. "Hindi ko gustong masangkot ang mga pangalan namin nang dahil lang diyan sa kapabayaan mo."

Na obvious namang ako ang tinutukoy sa salitang kapabayaan.

"Gawin mo ang dapat,Monchier. Dont drag yourself on their way."

The man walked. Dadaanan niya muna kami bago siya makapasok sa loob ng bahay. At nang sandaling magtama na naman ang paningin namin, he stop. Mga three seconds din na tumagal ang titigan namin, at nang tangkain kong iyuko ang aking ulo, doon pa lang siya nagsalita.

"and as a piece of advice for you, young lady. Stop these things with him, hindi ka naman siguro mababang uri ng babae para di mo maintindihan ang ibig kong sabihin."

What?! Ako?

Siyempre,hindi. Alam ko kung anong gusto niyang sabihin. At hinding-hindi ko kakalimutan ang mukhang iyon, magmula sa brown niyang mata hanggang sa magandang shape ng labi niya.

Pinapalabas niyang 'nagpapagamit'  ako kay Monchier, in a sensual way.

"Of course,uncle hindi siya gano'n!" akmang susugurin pa ni RM ang lalaki kahit nakatalikod na pero pinigilan ko siya. Galit na galit siya at ayaw kong nakikita siyang ganoon. Like always when he's jealous of random boys around me. Handa talaga siyang makipag-away para sa kin.

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now