CHAPTER 3

74 7 2
                                    

A/N:
@jollyjojoylee HELLO. MARAMING SALAMAT SAYO. AT ANG CHAPTY NA TO AY FOR U. HIHI. :*

CHAPTER THREE

"Hindi mo ba alam yon?! She was the daughter of that serial rapist!"

"Ma, stop it. Okay?"

"Which part of the word 'she's dangerous' you couldn't get?! My God Monchier!"

Bigla akong napabalikwas. Napaupo ako dahil feeling ko naririnig ko pa rin yung boses ng Mama ni RM. Ang huling tanda ko, nakatulog ako sa loob ng kotse habang nakikinig ng music at inaalala ang ilang senaryo.


Pero mukhang wala na ako sa masikip na kotse ni RM dahil super lambot ng kama at napakaluwag pa.

"RM.." sinubukan kong i-adjust sa dilim ang aking mata. Hindi lang ito ang unang beses ko na makatapak sa kuwarto niya. Madalas akong dito matulog kapag wala si Kuya sa bahay namin.

That's why I pity him and love him even more at the same time. Paano niya nagagawang panatilihin akong malinis gayong nagawa na naming  matulog sa iisang kama? Sigurado ako, kung ibang lalaki lang siya.. Malamang..

"tell me,son. Why are you so crazy over that girl? To think nagagawa mo ng labagin ang mga utos namin ng papa mo?"

"Ma.. I—"

"Kapag nalaman ko pang nakikipagkita ka pa sa kanya.. I'll cut all your allowance. Mag-drop out kana din dahil ititigil ko na din ang pagbibigay ng tuition fee mo sa bago mong School!"

"Do it Ma! But please dont ask me to leave her!"

Tuluyan na kong naiyak pag-kaalala doon. Ewan ko ba, nakaheadset naman ako kagabi pero naririnig ko pa rin yung mga sinabi ng Mama niya.

Serial rapist? Kaya ba ganoon na lamang ako protektahan ni Kuya sa tatay namin?

Madilim sa buong kuwarto, naisipan kong buksan ang bintana at doon ko nakitang tirik na tirik na pala ang araw. Sa tantiya ko, parang alasnuwebe na yata ng umaga.

"Oh men. Late na ko!" kaagad akong pumasok sa banyo. Basa yung shower area kaya malamang ay may gumamit na nito. Siguro, hindi na ko nahintay pa ni RM at nauna na siya sa School.

Pero hindi naman siguro niya ako iiwanan mag-isa rito hindi ba?

Binilisan ko na lang ang pagkilos. At dahil wala naman akong gamit dito, ginamit ko na lang yung towel niya. Isipin ko pa lang na dumaan na to sa buong katawan ng lalaking yon, parang namumula na yung pisngi ko. Ewan ko kung saan ko nakukuha to e! Basta.

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng banyo. Pero may nauna sa akin at binuksan na din ito.

"What the fck!" impit niyang sigaw pagkakita sa kin. "A-ano ka ba naman Roseth, m-matulog ka pa! B-bakit kaagad kang bumangon? Wala ka naman pasok ng Sunday 'di ba?"

Doon naman ako napatampal sa aking noo. Sh*t kaya nga pala napapayag ako kahapon makipagmeet up ni Gianna dahil sabado nga pala. And speaking of, sigurado na magagalit na naman sa kin yon dahil di na naman ako nakapunta.

"Hala! Oo nga pala..."

"tss. Dito ka lang okay? Mag-momovie marathon tayo."

"T-teka saan ka pupunta?" nagsimula akong kahabahan ng makita ko ang susi ng kanyang sasakyan.

"Bibili lang ako ng snacks natin, Rossie. Sandali lang ako.."

"Yes, baby!" masayang sabi ko. Natawa naman siya dahil ito pa lang yata ang unang beses na ibinalik ko sa kanya ang tawag niya sa kin.

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now