CHAPTER 9

65 5 0
                                    

ROSETH LUMEN OCAMPO

Ako ba ang pinili niya kaya hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako ?

Tinotoo ba talaga ng Daddy nila na magpapadala ng batalyon para burahin ang secret, underground organization ni Mao?

Kumusta na kaya siya? Bakit di pa siya nagpapakita??

Araw yon ng Biyernes. Tatlong araw na nang maganap ang kompronta sa dalawang magkapatid sa sarili nilang mancion. .. Pero sariwa pa rin ang lahat

"Mamili ka. .."

"Dad." Si Gianna na tumayo pa para magsalita sana kaso ay hinila siya ng Mama niya para maupo ulit. Si RM ay tumayo na din at nababalot ng matinding tensyon ang dining area. Ako, parang may mga kabayo sa king tiyan na nagtatakbuhan..

"Can you please excuse us?" itatayo niya ako, alam ko. Pero gusto kong manatili. Gusto kong malaman pa ang mga bagay na nakakalito pa sa sitwasyon namin.

"A-ako ba ang gusto nila?" halos mag-isang linya ang labi ko dahil doon. Hindi ko akalaing may papatak na luha sa akin dahil lang sa paraan ng pagtitig niya sa akin. He's staring me like I am the most important thing in this world.. Oh God, alam kong hindi siya papayag.

"Baby, you dont have to worry. I have my ways. Dito ka lang, di ka pwede doon."

"Pero—

"Excuse us, Dad."

At matapos niya akong i-secure sa hide out, hindi ko na siya nakita pa ulit. Ni hindi niya ko tintawagan o tinitext man lang. Pati yung private facebook niya ay hindi ko na rin mahanap.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit siya ganon? Lagi na lang niya kong pinag-aalala. Lagi na lang niya akong binibigyan ng ganitong klase ng pakiramdam sa twing magkakalayo kami.

"Ano? Papasok ka pa ba?" isang estudyante ng St. Peter's University, kung saan nag-aaral si RM. Ito na lang ang huli kong baraha para makita ko siya. Kaya oo. Papasok ako.

"Oo. Meron lang akong i-mi-meet sa loob." sagot ko sa kanya. Siya si Ailee, isang estudyanteng nakilala ko lang sa Group page ng SPU secret files.

Nagsa-gawa din ako ng 'research' sa school at nalaman kong hindi rin maganda ang record nito. Hindi ganon kaganda ang pamamalakad ng School dahil palaging may gang fights na nagaganap.

"Gaya sa School niyo, hindi rin pwede ang outsiders sa loob." hinila niya ko, sa isang walking side kami nagtungo. Siksikan at halos nagbubungguan ang mga estudyante rito dahil sa pagmamadali sa pagpasok sa unibersidad.

"Ang sabi mo may i-mi-meet ka sa loob, sino naman?" seryoso siyang tumingin sa akin. Kahit na pinahiram niya ko ng spare uniform ng SPU ay di ko pa rin masasabi kung mabait ba siya o hindi. But I need her, kaya kahit gaano ako ka-kinakabahan dahil sa tenga niyang tadtad ng hikaw,sumama pa rin ako sa kanya.

Wala siyang buhok sa right side, puro sa left side ang blonde niyang buhok. Meron din siyang band aid sa gilid ng kilay na animo galing sa riot. All in all, ibang-iba siya sa Ailee Heather na chinat ko kagabi sa facebook dahil sa DP niya.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Hanggang sa makadating kami sa isang Bahay na may tindahan ng mga ibat-ibang porn videos. Pirated korean novelas at mga mini recharge-able speakers.

Mga lalaking kasing edad lang namin halos.

"Boys. . ." tawag ni Ailee sa mga ito kaya nagsimula na naman akong tadyakan ng kabayo sa king dibdib.

Tama ba tong ginagawa ko?

"Boss! Anong ganap?" that guy who's wearing an expensive 'look' spec is welcoming this Ailee, by kissing her torridly in front of my bare eyes!

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now