CHAPTER 10

34 5 2
                                    


Chapter 10

Ilang minuto ang lumipas ngunit nakahiga pa rin ako. I did not bother to move a bit after Gia left me. Hinayaan ko lang maglakbay ang kaisipan ko sandali.

Ano ng mangyayari ngayon?

Isa lang ang naiisip ko. Si Itay, siya na lang ang taong makapag-sasabi sakin ng lahat. Maipapaliwanag niya sakin kung anong koneksyon ng mga kaibigan niya kay Draco, o mas tamang sabihing... Sa mga Fererras. Meron din siyang eksplinasyon kung bakit kailangang mamili ni Monchier. Kung bakit ito biglang di nagpakita sakin, kung bakit parang nasa akin lahat ng atensyong kailanma'y di ko hinangad. Atensyong hindi ko naman kailangan.

Sa paghinga ko ng malalim, bigla akong napaupo. Naalala ko ang team b, ayon kay Bobby ay leader nila si Kuya. Baka naman mayroon silang alam dito. I need to go there again.

Nilakad ko ulit ang mahabang daan katulad ng dinaanan ko kanina. Hindi ko na pinapansing hinihingal nako sa lakad-takbo kong ginagawa.

Kaluskos.

"Sigurado ka bang binalikan mo?"

"Oo! Wala nakong nakita don e. Huwag mo na ngang intindihan ang babaeng yon.."


Familiar voices. Huminto ako upang hanapin ang pinanggalingan ng boses ni Yoyo. Dahil medyo madilim na, I adjusted my sight, mausok pa naman ang lugar kaya medyo mahirapan ako sa pagsunod. Sinubukan kong huwag ingayan ang paglalakad may pattern naman ang damuhan sa dapat kong daanan, may puting buhangin na mahaba na nagsisilbing makipot na waring ito'y daanang panglakad. Hanggang sa makadating ako at hinawi ang malalaking talahib na nagsisilbing dingding ng pabilog na hide out ng KiON, o ng team B.

Nakapa-ikot din ang anim habang may bonfire sa gitna.

Unang tumayo si Bobby, patalikod ang kanyang posisyon mula sa kin.

"Nahanap mo ba ang hinahanap mo?"

Malamang hindi. Wala akong kakahayang hanapin kung nasaan si Kuya at si Monchier. Kailangan ko sila para ligtas akong makipag-usap sa tatay ko. Pero bago mangyari yon, I need to find him first.

"May kailangan akong itanong sa inyo." I walked and sat to the vacant place. Mukhang nakareserba ito sa isa pang nawawalang miyembro, na obviously, ay si Kuya.

"Umuwi kana, wala kaming sasagutin ni isa sa mga tanong mo." With a dismissal tone, Bobby said that.

"Hindi ba kayo nag-aalala kay Kuya? Leader siya ng grupo niyo. Kaibigan niyo siya!" Sumbat ko. Pinigilan ko ang sarili kong maging emosyonal. Hindi iyon ang kailangan ngayon.

"Hindi mo naiintindihan,Miss."

"What? Ano sa mga ito ang hindi? Sabihin niyo!"

Umalpas ang frustration ko sa mga taong ito. They obviously look down on me and my capacity. Mahina at walang kwenta ang tingin nila sa kin and it saddens me, who made them think Im so fucking precious and vulnerable? Im not that important anyway! Bakit kailangan nilang maging considerate masyado sa isang tulad ko? Or what is it just me?

Akma akong hahawakan ng dalawa at isa pang di ko pa alam ang pangalan. Tanging si Bobby, Jinan at Yoyo lang ang kilala ko. Ang pinaka-supladong tignan sa kanila ay si Jinan, tingin ko, siya lang ang taga-obserba ng nangyayari. Mukha siyang matalino kahit gangster, may restriction ang bawat galaw niya. Kaya laking pagtataka ko nang pigilan niya ang tangkang paghawak sa kin ng tatlo.

"Hoy babae."

So far, so good. Iyon ang unang salitang narinig ko mula sa lalaking akala ko'y tagos sa buto ang etiquette.

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now