CHAPTER 7

56 6 2
                                    


Chapter seven.

Dinala ako ni Draco sa isang street na super familiar sa akin. Papunta ito sa tinitirhan namin nina Kuya at itay.

Hanggang dito na lang ba talaga ako?

Matapos kasi ng pag-uusap namin, hindi niya ako binigyan ng pagkakataong ipaliwanag sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa pamangkin niya.

Isa siyang tipo ng taong 'Jump in a conclusion' person. Ni hindi siya nakikinih sa sinasabi ng kausap. I dont know if it is a good thing or what.

Inaakala niyang isa lang akong mumurahin, bayaran at mababang uri ng babae. Na pera, yaman at katawan lang ang habol kay Monchier.

"Baba." Automatikong bumukas ang pintuan ng back seat, dahilan para lumabas na ko. Obviously, he really wants me to get out of RM's life. Absurd!

"H-hindi ba ko pwedeng magpaalam muna kay, M-monchier?" ayokong makiusap o umiyak lalo na sa harapan ng lalaking ito. Pero parang ilang salita na lang ang sasabihin ko maiiyak na ko.

"Hindi ko naman pwedeng iwan siya na—"

"It's for your own good, Roseth." then he sighed. Ngumiti siya, nakatalikod siya sa akin pero dahil lumingon siya, side profile ang nakikita ko. Nakadagdag iyon ng kanyang dark aura lalo na't sinag lang ng ilaw galing sa nag-iisang lamp post sa daan.

"Now go!" Hanep. Paano niyang nagawa iyon? I mean, nakangiti na siya kanina, tas nagalit ulit in just five fcking seconds. "Bibilang ako hanggang lima."

For now, yes. I'll go out of his damn car. Pero ito lang ang pinaka-unang pagkakataong makikipag-break ako kay RM kahit di naman niya ito alam.

"Isa!"

Pero nagtaka ako kasi huminto siya sa pagbibilang. Bigla niya ulit pinindot ang button para isara ulit ang pintuan, automatically.

Ginambala kami ng isang katok. No, hindi siya kumakatok. Sinisira niya ang bintana ng kotse.

"Damn it, Kid! My car is precious than your life so stop that!" singhal na naman ni Draco at lumabas sa kotse niya.

"Open this damned car of yours, where the fuck is she?!"

Pumikit ako. Shit this, bubulahaw na talaga ako ng iyak kapag confirm ko na si RM na yan at sinusundo ako.

"Easy, this is for you, for your mom and for that girl. C'mon, use your head!"

"Wala akong pakialam, uncle." Wala nga yata itong pakialam, ako naman ay nagmamadaling buksan ang pintuan pero naka-lock pa rin.

"RM!" I bang the window. Para makuha ang attention niya. "I-im here.. over here."

Lumipat siya sa pintuan kung saan lumabas si Draco, iyon lang ang bukas kaya malamang doon na rin ako padaanin ni RM ko.

"RM!" I exclaimed because of too much excitement. Yumuko siya para abutin ang kamay ko, inaalalayan niya akong makalabas at makababa ng kotse.

"RM!"

It's corny to cry like a child when I finally reach him and hug him. Hindi ko akalaing magkikita pa kami ngayon, halos kanina lang ay di ko na malaman kung anong gagawin ko para kontakin siya.

"P-paano mo nalaman na nandito kami?" tanong ko sa kanya.

"Papatayin mo talaga ako sa pag-alala ano? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko,huh?!"

"Eeh. Kasi—"

"You need to show her to your father. You know I cant tolerate you with this. Lalo na't—"

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now