CHAPTER 12

14 5 0
                                    

Chapter 12

Oh shit!

Wala naman akong nakitang kakaiba. May mga High School student na gumagamit ng gym. Physical Education ang subject na itinuturo ng  teacher. Nakatayo ang guro habang ang mga estudyante niya'y nakaupo at tahimik na nakikinig. Because of lack of classrooms, teachers and study materials kaya medyo maliit lang ang Holy Cross University para saming mga College at Senior high school students. I mean, this is not impossible. We share one community.

Bakit niya ko pinapunta dito?

Bigla ay napaharap ako sa pintuan ng open gym. Pero may pumigil sa aking pag-alis. Isang cart na gamit ng mga janitor ang mabilis na tatama sa kin.

Umiwas ka!

Pero hindi ko nagawa. Sa halip at ginamit ko ang mga kamay ko para pigilan ang pagtama non sa kin. Am I awesome because of what I did? It is heavy but I endure the pain that is starting to attack my palms. I gritted my teeth dahil ang bigat non. Sino na naman ang walang hiyang gagaw nito sa kin?

"Magaling. That was unexpected thing from you, bestfriend."

That moment, I got distracted. Nabitiwan ko ang cart at nagtuloy-tuloy ito sa paggalaw at tumama sa isa sa mga pillars ng Gym.

"Bakit mo ginawa yon? Gusto mo bang masaktan ako?"

Kung hindi ko lang hinawakan yon ay marahil sa clinic na ko ngayon pupulutin.

Naka-uniform siya. Buti naman at papasok na pala siya ngayon. Ilang araw na din siyang absent.

"Im just doing some training on you." Sabi niya habang binabalatan ang lollilop. Itinapon lang niya basta ang candy wrapper sa isang tabi. Kailan pa naging ganito ang bestfriend ko?

"Training?" I frowned.

"Yeah. Akala ko ba gusto mong makita si Kuya?"

"Akala ko ba ayaw mong makita ko siya?" balik na tanong ko. I dont want to use all my arrogance on her. But she didn't failed to pissed me.

Tumawa siya. "You're trying to be tough,huh?" Tapos ay tinapon niya  ang lollipop,

"Judging your look today, It seems that my brother already talked to you. I wonder why he did that? He already agreed to that old man." pumalatak siya't ngumisi ulit. Seryoso ba talaga si Gianna na i-elliminate ako bilang bestfriend niya?

"In order for you to be with him, you need to be like him."

Katulad na ba din siya ng Mama niya na kukutyain ako? Na porket mahirap ako'y hindi na ko bagay kay RM? Kailan pa siya naging judgemental kagaya ng Mama niya? Kailan pa?!

"Idiot." she commented when she saw that I am willing to throw her because of what she said. "Ang gusto kong sabihin ay kailangan mo siyang maging katulad. Kailangan mong maging underground fighter.."

******

Underground fighter?

Illegal fighter. Nagsisumula sila sa isang maliit na venue ng laban. Katulad ng mga tipikal na fighter, kailangan nilang i-clear bawat laban para maka-alis sa maliit na venue. Hanggang sa i-laban na sila sa Legal fight. Parang training lang sa kanila ang unang stage.

Hunter X Hunter.

"Kung ano man yang binabalak mo,  huwag mo ng ituloy." ang sabi ni Bobby. Kaagad ko silang pinuntahan pagkatapos ng mga sinabi sa kin ni Gianna. Kailangan ko daw makapasok sa loob ng Cauma at talunin lahat ng underground fighters doon. That way, I can see my RM there. Pero hindi bilang girlfriend, wala kaming magiging relasyon kung sakaling makaharap ko siya bilang.. Kalaban.



UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now