CHAPTER 13

17 4 0
                                    

Chapter 13

“Tuturuan ka muna ng KiON sa paggamit nito.”

Dalawang dagger na kulay gold ang handle. Those were made of fine blade na parang isang daplis lang ay hiwa kaagad ang aabutin mo sa sobrang talim non. It can cut your soul out of your body.

“Seryoso ka talaga, Ailee?” Si Jinan.

Unfortunately ay si Jinan lang ang nahuli namin sa KiON o team B. Kung sino pa talaga ang bugnutin at maikli ang pasensya, siya pa talagang nahanap namin. Nasa open field kaming tatlo at may mga matataas na puno

I can't keep myself from rolling my eyes.

“Huwag kang maarte babae. Dont make this hard for me, kung hindi, itatapon kita.” Bulong niya.

Ang unang itinuro niya ay kung saan ko dapat itago ang dagger, kung paano ko yon mabilis na makukuha sa oras na kailanganin ko. The man touch my legs and I can't let the man to enjoy even a single part of me.

“Bitiwan mo ko!” I shout.

Pero hinila pa rin niya ang isang legs at tumaas pa yon. “This is just touch, lady. Kinukuhanan lang kita ng magandang spot! Stop shouting. Nakakabingi ka.”

May hawak na siyang rubber, kulay black iyon na may lock sa dulo.

“Shit, huwag kang magulo!”

“Pwedeng ako na lang. Okaya si Ailee. Nag-te-take advantage ka sa kin!”

“Did you just accused me?”

Parang amuse na amuse ang bruho!

Ailee just there, standing meters away and observing what’s happening. Mukhang Ipinauubaya kay Jinan ang magiging training na ito.

Sa huli ay wala rin akong nagawa kung hindi ang sundin ang aking trainor.

“Ganito,” iminuwestra niya ang tamang pagkuha ng dagger mula sa thigh. Pagkatapos noon ay ako naman at inorasan pa niya ako sa pagkuha.

“Papasok ka talaga doon?”

Inuulit-ulit ko ang itinuro niya hanggang sa masanay ako sa mabilis na pagkuha. “Oo.” Maikling tugon ko. Pagkatapos ay idinemonstrate niya ngayon ang tamang pagtira sa target gamit ang dagger. Parang dart lang pero katawan ng puno ang target.

“Your arm is too weak,Roseth.”

He suggested to do some exercise first bago kami magproceed sa pagtira. Four sets yon hanggang sa matapos.

Nagpatuloy kami sa pag-eensayo, inuulit-ulit yung mga naunang course at may idinagdag.  

“Jinan!”

Pareho kaming humarap sa taong tumawag sa kanya. Isang babaeng maputi at naka-high school uniform. Kasabay nito si Ailee na tumatakbo upang maharang ang high schooler papunta samin.

The way Jinan put a glance to the girl, I knew,she is not just someone for him.

“Zarica. Hindi ka pwede dito!” si Ailee.

Hinawakan nito ang malambot na braso ng babae. But she is so determined to reach Jinan, parang napakahalagang makausap niya ngayon ang lalaki.

Laking gulat ko nang maramdaman ang isang kamay ni Jinan sa aking siko at pilit akong inilayo sa dalawa.

The girl is pushing Ailee so hard to reach the guy. Hindi na rin ako makapag-concentrate sa ginagawa kong pagkuha ng dagger sa thighs ko gaya kanina. I frustatedly put the dagger down. Hinarap ko si Jinan na tila wala sa pagtuturo ang atensyon. Nandoon sa babaeng pilit na inilalagpas ang sarili kay Ailee makausap lang ito.

UNDERGROUND FIGHTER: DEADLOCKWhere stories live. Discover now