Bullet 2

173K 4.1K 244
                                    

Shot

"Markus Hyde De la Fuente"

Huminga ako ng malalim sa pagkarinig sa pangalan niya. Pinag pasapasahan nila Violet at Kina ang information profile nang bwisit na 'yon.

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko habang pinag pepyestahan nila ang itsura niya.

"Hope, nagsulat ka na ba ng will mo?"

Umiling ako. Pinanuod ko si Violet na umupo sa harap ko. Bumuntong hininga ako at napatingin sa labas ng bintana.

White clouds are really beautiful..

"Violet, you can call me Joan. Wala naman tayo sa misyon." Wika ko.

Narinig ko naman ang halakhak niya.

We were given code names, pag nasa misyon ay 'yun ang gamit namin pag nag ko-communicate sa mga walkie talkies. Bawal din malaman ang identities namin, kaya pino-problema ko ang hinayupak na 'yon. He knows me.. hindi pwede 'yon. I need to talk to him about my situation.

Wait, that was five years ago. Imposibleng naaalala niya pa ako. Tama! Wala na pala akong problema kung ganon.

"Okay fine, Joan. Bakit kasi hindi ka pa magsulat ng will mo? I mean.. kailangan 'yon sa atin. The will is the only proof na naging sundalo tayo. Pag namatay tayo sa misyon, yun lang ang panghahawakan ng pamilya natin." Aniya.

Si Violet ay isa sa mga matalik kong kaibigan sa army. She's one of my very trusted comrades and besides tatlo lang kaming babae dito kaya naging close kami agad.

Ang violet lipstick niya ay lalong umangat nang ngumisi siya. She loves goth.

"Will?" I traced.

Napangisi ako at nagkibit balikat dahil hindi ko din alam kung bakit hindi pa ako nag susulat ng will ko. Limang taon na ako sa serbisyo pero wala pa akong will na sinusulat.

Maybe because.. natatakot ako.

"Wala pa akong pag bibigyan ng will ko." Sagot ko.

I can't tell her that I'm afraid. Takot na, pag nasulat ko na 'yon ay mawala nalang ako bigla. Ang will ay binibigay pag namatay kami sa misyon. If I write, parang sinabi ko na mamatay na ako.

Tumango nalang siya at kumain ng naka handang pagkain para sa amin. We're on the plane right now, pabalik na kami ng Pilipinas mula sa dalawang buwan na misyon namin.

"Six months na naman.." bulong ni Kina.

"Six months nating kasama si De la Fuente" dagdag ni Violet sabay hagikgik.

Nagtawanan sila ni Kina habang patuloy na pinagmamasdan ang picture nang bwisit.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan na 'to. Dalawang buwan din itong patay dahil nasa misyon ako. Napapangiwi ako sa bawat scroll dahil umiiyak nanaman ang mommy ko, gusto na niya akong tumigil sa serbisyo.

Tumingin ako sa labas ng eroplano at tinignan kung sapat na ba ang baba ng lipad namin para makagawa ako ng phonecalls.

"I'll call my family. Kayo ng bahala pag hinanap ako ni commander." Wika ko at sumaludo naman sila.

Tinungo ko ang dulo ng eroplano at huminga ng malalim. Mahaba habang usapan 'to panigurado.

Pinindot ko ang call button at nag handa na sa sermon ng nanay ko.

"Hi mommy! I missed you so much!" Salubong ko sakanya pero agad kong narinig ang pag hikbi niya.

Nanikip ang dibdib ko dahil doon. I don't want to hear her in pain like this. Lalo na at ako ang dahilan.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon