Bullet 33

115K 2.8K 120
                                    

Yes

Sobrang lalim ng pag hinga ko at sobra sobra din ang bilis ng tibok ng puso ko. Inangat ko ang dalawa kong kamay at linagay 'yon sa pagitan namin. Sinubukan ko siyang itulak pero ayaw niyang matinag.

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin at binaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang hininga niya doon at ang marahang pag dampi ng labi niya doon. Halos mabaliw ako sa ginawa niya. Unfair! Nawawala ako sa huwisyo!

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito.. hindi ka dapat nandito."

Dapat ay puno ng determisnasyon kong sasabihin 'yan pero nawalan na ako ng lakas. Lumabas ito bilang bulong nalamang.

"You're here. I should be here." Mariin niyang wika.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Bakit ba siya ganito? Kung patuloy siyang magiging ganito ay magiging mahirap para sa akin. Dapat nga ay madali lang 'to. Nabuhay ako ng napaka habang panahon ng wala siya pero ito ako at nahihirapan.

This should be easy but fuck! It is damn hard.

"Markus.." tawag ko sakanya.

Pilit ko siyang tinutulak pero lalo lamang niya akong nilapit sakanya. Damang dama ko na ang init ng bisig niya at naiinis ako dahil nagiging komportable na ako doon.

"I love you." Mabilis niyang saad.

Nahulog ng kusa ang dalawang kamay kong naka harang sa amin. Natulala ako at napaawang ang aking labi. Gusto ko man magsalita at ipag tulakan siya ay hindi ko magawa dahil hindi ko pinangarap o inisip na sasabihin niya ang mga salitang 'yon gayong ganito ang sitwasyon namin.

"Nagkakamali ka." Giit ko at tinulak siya ng isa pang beses.

Bumitaw siya sa akin pero nanatiling maliit ang distansyang natitira sa amin. Mula sa dibdib niya ay nag angat ako ng tingin. Sinalubong ko ang mga tingin niyang nakakamatay at naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha kong nagbabadya.

Ito nanaman. Nasasaktan nanaman ako kahit wala pang nangyayari.

"You think because I always joke, lahat ng sinasabi ko ay biro o kaya ay pagkakamali? Let me tell you this, straight and fast. Mahal kita noon pa man. Isa ako sa mga na biktima ng pagmamahal na hindi kailangan umusbong tuwing kasama ka. Minahal kita kahit hindi kita nakakasama sa loob ng limang taon. Oo, isang beses palang tayong nagkita non. I stole your first kiss at sinadya ko 'yon. I want you to remember me for the rest of your life. Sapat na sa akin 'yon noon pero nang makita kita ulit sa bahay ko. Hindi pala sapat 'yon. I want more.. I want you, I need you and I want to be with you everyday, every fucking day of your life, Agatha. Naiintindihan mo ba? Pwede 'wag matigas ang ulo?" Puno ng pait niyang wika.

Umiling ako. "Hindi pwede." Bulong ko.

Umiling iling ako. I am shocked, beyond shocked. Kahit pala anong pilit kong maging madali 'to ay hinding hindi magiging madali 'to. Ang hiling ko na sana siya ang sumuko at bumitaw dahil hindi ko magagawa 'yon ay hindi na mangyayari dahil mas determinado pa siya kay'sa sa akin.

Nag iwas ako ng tingin at pilit binubuksan ang labi ko para may masabi. Nanghina ako lalo nang iangat niya ang kamay niya at marahang hinaplos ang mukha ko.

"I'm not joking. Sa buong buhay ko, ito ang pinaka totoo. I'll do everything to make you stay by my side. Nahanap kita dito at hindi ako titigil lang basta basta."

"Paano ang mga tao sa paligid natin? Hindi ka ba kinausap ng mama mo?" Naguguluhang tanong ko.

"She did. She told me about New York." Deretso niyang sagot.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon