Bullet 16

118K 2.9K 190
                                    

Duwag

"Diego Monteverde."

Nangilabot ako sa pagsabi ng pangalan na 'yon. Nandito kami ngayon sa sala para ireport sa akin ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa tito ni Markus.

Tumikhim si Violet, senyas na itutuloy na niya ang pag sasalita.

"Anak sa labas ni Don Juan De la Fuente. Hindi niya ibinigay ang apilyido niya dito pero hindi makakaila na malapit pa rin si Mr. Monteverde sa pamilya ng mga De la Fuente. Patunay dito ang pagiging malapit niya sa anak ni Mr. Ignacio De la Fuente na si Mr. Markus De la Fuente."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Violet.

"Wala ng iba?" Tanong ko.

Umiling siya. "Wala na, Cap. Ito lang ang nakalap namin." Ani Violet.

"What if.. gusto niya kunin ang mana kaya gusto niyang patayin si Markus? Or pwede din na nag hihiganti siya?" Ani Kina.

"Pang teleserye naman 'yan." Natatawang wika ni Den.

"Ano pa ba?" Inis na balik ni Kina sakanya.

"Let's take the man down." Ani Ramon.

Napasandal ako sa sofa at mariing pumikit. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Dammit! Sa field ay hindi naman ganito, doon ay pag nakita mo ang target. Anong oras man o nasaan man kayo ay shoot to kill na.

Dito, maraming dapat isaalang alang. Hindi pwedeng padalos dalos dahil maraming masasakripisyo.

"Hindi pwede, Ramon. Wala tayong pruweba." Ani Kina.

"Putang'na." Mura ni Ramon.

Alam ko na naiinis na rin sila sa mga nangyayari. We're part of the special forces, dapat ay sandali lang sa amin ito pero nagtagal kami ng ganito.

Damn.

"We have more time. Siguradong bukas o sa mga susunod na araw ay gagalaw ulit ang lalaking 'yon." Ani Den.

Nanatili lamang akong nakapikit at pinakiramdaman lang sila. We have more time? Ilang oras pa ba ang itatagal ng misyon na 'to?

Kanina habang nasa opisina kami ni Markus ay tahimik lang ako. Tahimik sa puntong ilang beses niya akong pinansin. Ilang beses niya akong tinanong kung ayos lang ako. Pero hindi ko siya kayang sagutin.

Nang mga panahong 'yon. Nag isip ako, bumalik ako sa mga araw na nakasama ko siya. Less than a week pero sobra ng nahihirapan ang puso ko.

Sobra. Sobra.

Sa mga panahon din na 'yon.. may na-realize ako. Bagay na kinahina ng puso ko at bagay na sobrang kinasakit nito.

"Anong gusto mong gawin, Cap? Ikaw ang may pinaka alam kung anong pinaka magandang gawin ngayon." Ani Geric.

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Hindi ko magawang dumilat dahil ayokong makita nila ang mga pangamba sa akin. Dapat ay makita nila na madali lang 'to, it's not a big problem.

Everything is under control.

Even though it is not.

"Wait. We need to wait. Basta ang number one goal natin ay protektahan si Markus. His safety is first before anything else." Saad ko.

"Okay, Cap." Ani Ramon.

Narinig ko ang pagkaluskos at naramdaman kong tumayo na sila. Tama, they should rest first dahil pakiramdam ko.. malapit na.

"Hope, hinay hinay lang. Wag mo sarilinin. We're a team." Ani Violet at tinapik ang balikat ko.

Doon lang ako nag mulat ng mata. Nakita kong wala na ang iba at siya nalang ang nasa harap ko.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon