Bullet 13

115K 2.8K 128
                                    

Visit

"Saan ka pupunta, Cap."

Pababa ako ng hagdan at naka uniporme ako ngayon. Inayos ko ang kwelyo ko at ang baril sa likod ko.

"Bibisita ako muna ako sa pamilya ko. I can't go there wearing casual clothes. Baka hindi na ako paalisin ni mommy." Pag bibiro ko.

"Hindi pwede cap! Kailangan mong bumalik!" Natatawang wika ni Ramon.

Umiling iling ako at inayos ang sapatos ko. Kagabi ko pa pinag iisipan 'to. Naisip ko na, kailangan ko rin naman silang bisitahin. I need to know kung kumusta na sila at ano ng nangyayari sa pamilya namin.

"Kumusta yung singsing? Nakuha niyo?" Tanong ko.

"Yes, Cap. Here is it.." ani Kina.

Tinali ko ang sintas ko at umayos ng tayo. Lumapit ako sakanila at tinignan ang hawak ni Kina. It was a very thick ring. May naka engrave dito na dragon.

Tumango ako. "Itabi niyo, it will be useful." Saad ko.

Tumango sila at linagay ito sa isang ziploc. Binaling ko ang tingin ko kay Violet.

"Yung pinapacheck ko sayo? Nagawa mo na?" Tanong ko.

Tumango siya. "Wala siyang record, Cap. Malinis at walang unusual na makakatulong sa atin."

"Anong makakatulong?"

Napalingon ako at nakita si Markus na pababa ng hagdan. Maagap akong umiling at humalakhak.

"Wala.. by the way. Ang sasama muna sa'yo ay si Ramon. I'll just visit my family. Babalik din ako agad." Saad ko.

Hindi naman niya ako pipilitin magsalita, manhid ang isang 'to. Naligaw na ang usapan pero hindi pa nahahalata. He's very dense.

Tumango si Ramon at tumayo na mula sa prenteng pag kakaupo. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Markus. Wait, what is this? Babawalan niya ba ako?

"I'll come with you!" Full of conviction niyang wika.

Napabuga ako ng hangin.

"You need to go to work!" Giit ko pero umiling siya at ngumisi.

"Did you forget? I'm the boss. I can go to work whenever I want to and what time I feel like going." Aniya at proud na proud pa.

Aba't mayabang!

"Bahala ka." Saad ko at tinalikuran na siya.

Wala naman akong mapapala kung makikipag away pa ako sakaniya. Sasakit lang ang ulo ko.

"Ramon, tulungan mo si Violet. Dig on that man." Saad ko at tumango naman siya.

"Sure, Cap." Aniya at tumango ako.

Napatingin ako kay Markus na dere-deretsong lumabas at hindi man lang ako hinintay. Ano 'to? Naninigurado lang?

"Check on the ring. Alam niyo na ang ibig kong sabihin. Make a report too." Utos ko at sabay sabay silang tumango.

Lumabas na ako at nakita ko nanaman siyang nakatayo sa gilid ng bukas na pintuan. So siya ang maamaneho?

"Akin na ang susi, ako ang mag mamaneho." Saad ko habang linalahad ang palad ko.

Umiling siya. "Let me drive."

Napabuga ako ng hangin. Ang kulit! Nagpamaywang ako at tinaasan siya ng kilay.

"Alam mo ba kung paano pumunta sa amin? I don't have all the time in the world to tell you the directions." Saad ko.

Ngumisi siya kaya natigilan ako.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon