Wakas

177K 3.8K 297
                                    

Mga tahimik na inspirado, thank you for reaching this chapter!

"Tita beautiful, nag away po kayo ni Tito pogi?"

Napalingon ako sa batang hawak ko sa kamay.

It's Vanessa, anak ni Ate Adrianna. Sinamahan ko si Ate Rian na ienroll ang mga anak niya sa isang university sa Cebu. In other words, university na pinasukan din namin noong nag aral kami ng isang semester dito.

Kumunot ang noo ko. "Baby Nessa, who is Tito Pogi?"

"Tito Markus po." Magalang na sagot ng bata.

Nagtaas ang aking kilay sa pagkarinig ng pangalan ng hinayupak na 'yon. Pati ba naman ang bata, tuturuan ng mga kalokohan?

Hinila ko siya sa isang tabi at umupo kami sa isang bench doon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Ate Rian na dito nalang kami sa labas maghihintay ni Nessa. Kasama pa kasi niya si Vance at siya naman ang inenroll nito, bawal kasing sabay ang dalawa dahil hindi pwede magkaklase ang magkapatid o kambal dito.

"Tita.. did you two fought?" Pangungulit ni Nessa sa akin.

Tinago ko ang cellphone ko at binalingan siya ng tingin. Nag mana talaga kay Ate Rian 'to. She won't stop until she knows the truth. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Uno na dapat ay honesta ang pangalan ng bata.

Gusto ko tuloy matawa!

"Baby, hindi kami nag away ni Tito pogi mo."

Marahan akong ngumiti para hindi na niya ito dugtungan pa. Ngumiwi ang bata at bahagya akong napaurong nang iangat niya ang dalawang kamay niya at marahan akong hinawakan sa mukha.

Ang inosente niyang mga mata ay tumitig sa akin.

"You're lying tita." Inosente niyang wika.

"Who's lying baby?"

Nag angat ako ng tingin at nakita si Ate Rian na palapit na sa amin habang hawak si Vance. Tumayo ako at hinawakan na si Vanessa sa kamay. Bahagya ko pang sinilip si Vance dahil hindi man lang ako pinansin. Manang mana kay Evander.

Seryoso at masungit.

"Mama, tita is lying to me. Sabi niya po, hindi sila nag away ni tito pero nakita ko sa eyes niya na nag sisinungaling siya. Besides, Tito Markus was drinking with dad yesterday and he's like making weird sounds." Pag susumbong ng bata.

Nagpakawala ako ng halakhak dahil sa sobrang pagkamangha. Ipapasok ko nga 'tong batang 'to sa law para magamit naman ang mga kakayahan niyang hindi normal. Nakakatakot mag sinungaling sa batang 'to.

Lumingon sa akin si Ate Rian at tinaasan ako ng kilay. Nagkibit balikat naman ako at hinila na si Vanessa para maglakad na ulit.

"Nag away kayo ni Markus? Don't lie to me." Aniya.

Bumuga ako ng hangin.

"As if I can lie to you and to answer your question. Yes, nag away kami. Pa singit nga, palitan mo ang pangalan ni Vanessa, gawin mong honesta." Pag bibiro ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Just joking."

"Bakit kayo nag away?" Tanong niya muli.

Huminga ako ng malalim at pinag salubong ko ang dalawa kong kilay dahil naalala ko nanaman kung bakit kami nag away ni Markus. Sa loob ng dalawang taon naming relasyon ay madalang nalang kaming mag away pero pag nangyari 'yon, hindi ko talaga siya kinakausap. Tulad nalang ngayon..

"Paano ba naman? Ang lakas ng apog ng lalaking 'yon! Gusto mauna ang honeymoon bago ang kasal? Anong akala niya sa akin? Easy to get?" Naiinis kong wika.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon