Bullet 31

109K 2.7K 290
                                    

Turn off

"Agatha, pwede mo bang ipaliwanag sa amin ng daddy mo kung bakit mo tinago na isang araw ka ng wala sa serbisyo at nagtatago ka lang sa bahay nila Tulip?" Ani Mommy.

Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti sakanila.

Sinamahan ako ni Tulip sa bahay namin at nandito ako ngayon sa sala namin, nakaharap kina mommy at daddy. Hindi pumasok si daddy kahit na ayos na ayos na siya para pumasok. They were eating breakfast when I came. Ayaw din sana pumasok nila Kuya Adrian at Gelo pero napilitan sila dahil utos ni daddy.

"I can't face you mom.." Mahina kong paliwanag.

Gusto ko sabihin sakanila ang lahat. I want to tell them that I was broken and I made the most stupid decision in my life. Pero habang tinitignan ako ni mommy na para bang sobra siyang nag aalala sa nangyayari sa akin, parang hindi ko kaya.

The last talk I had with Markus is still swaying and running in my head.

"Why did you leave the army?" Deretsong tanong ni daddy.

Bahagya akong natigilan. Pag si daddy na ang nagtanong, hindi ko maiwasan ang kabahan. Kilalang kilala ako ni daddy. Nagmana ako sakanya at parehas na parehas kami kung paano mag isip. I am his girl version.

"Yun naman po talaga ang plano. For mom.. for everybody." Sagot ko.

'Yun naman talaga ang plano. After six months ay aalis na ako, sadyang napabilis lang dahil kay Markus. Pero hindi ko pwedeng sabihin 'yon.. hindi ko kayang sabihin na dahil kay Markus.

It will mean so much for them.

Bumaling ang tingin ko kay mommy dahil hindi ko kayang makipag sukatan ng tingin kay daddy. Kung meron man akong tao na kinakatakutan sa mundong ito, it's him.

The one and only, Theodore Montgomery.

"Anak, tell me the truth.. sa limang taon na nasa serbisyo ka. Araw araw akong nagmamakaawa sa'yo para bumalik sa amin at umalis na sa serbisyo pero hindi mo ako napagbigyan. I know how much you love this, your job is your dream. Alam kong sinabi mo sa amin na aalis ka pagkatapos ng huling misyon mo at aware ako na hindi pa tapos ang eleksyon. Now tell me, bakit nandito ka sa harap namin ngayon? Paano ka nakapag desisyon agad na umalis?"

Kita ko ang pagkalito sa mga mata ni mommy. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak kay daddy. Parang pinisil ang puso ko dahil doon. How I wish to have my own happy ever after just like them.

"Ayaw niyo bang nandito ako ngayon?" Pagliligaw ko sa tanong.

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko kaya nag iwas ako ng tingin. I felt Tulip's hand held mine. Na guilty tuloy ako, noong mga panahon na kailangan niya ako ay wala ako. Though Ate Adrianna was there, Alice too but still, iba pa rin kung lahat kami ay nandoon.

"Mommy mo ako, I know you. I can see it in your eyes, may pinag dadaanan ka. Can't you tell me? Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin kung anong tumatakbo at bumabagabag sa'yo?" Puno ng pagsusumamo ang boses ni mommy.

Something hit me.

Hindi naman kasi ako ang klase ng taong sinasabi ang mga bagay na 'to. Kilala ako bilang babae na iba ang priority. Ang prayoridad ko ay ang mga pangarap ko. Love is last on my list but here I am, running because of it.

Yumuko ako at hinayaang tumulo ang mga luhang nagbabadya. Pinisil ko ang kamay ni Tulip para makakuha ng lakas. Bumuga ako ng hangin para maalis ang kung anong bumubuhol sa puso ko.

"Ma, the thing that you badly wanted to happen.. happened"

Basag na boses ang lumabas sa akin. Narinig ko ang pag singhap ni mommy kaya mariin akong napapikit sandali bago nag angat ng tingin. Sinalubong ko ang mga tingin nila at mabilis na humilig si mommy kay daddy.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon