Bullet 26

96.3K 2.2K 199
                                    

The pain

"Pwede ba tayong mag usap?" Seryosong tanong ng step mother ni Markus.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko alam kung bakit ako nahihirapan magsalita. Dapat ay madali lang ito diba? Pwede naman kaming mag usap, lalo na kung tungkol ito sa nangyari kay Markus.

Binitawan ko unti-unti ang kamay ni Markus at kinumutan siya ng maayos. Hindi na ako nahiyang gawin 'yon kahit na nandyan ang mama niya. Binigyan ko pa siya ng huling tingin bago binaling ang tingin muli sa nanay niya.

"Sige po." I breathed.

"Doon tayo sa labas." Aniya.

Pinanuod ko siyang lumabas bago liningon sina Kina.

"Bantayan niyo si Markus." Utos ko at maagap naman silang tumango.

Huminga ako ng malalim bago sumunod sa nanay ni Markus. Lumabas ako at nakita ko siyang nakaupo sa labas ng kwarto. Hindi ko alam kung para saan ang kaba sa puso ko pero umupo pa rin ako sa tabi niya. Nasa kabilang tabi naman niya si Hope na tahimik lang na nakaupo.

"Mam, what actually happened was-"

Natigil ako sa pagsasalita nang biglaan niyan hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero bumagsak ang puso ko dahil doon.

"I know who you are." Aniya.

Nag-angat ako ng tingin mula sa kamay niya na nakahawak sa akin papunta sa mukha niya, sa mata niyang nanunubig dahil sa nag babadya niyang mga luha.

I saw the pain from her eyes.

Nasasaktan din ako nang makita ko 'yon. Somehow.. I saw my mom's eyes. The eyes she used while begging for me to stay.

"Ano po?" Halos pabulong kong tanong.

"You're Agatha Joan Montgomery, the girl she met five years ago. Sa Argao hindi ba?"

Hindi siya nag tatanong. She was sure of it.

I nodded.

"Opo.." I traced.

Gusto ko magtanong kung paano niya nalaman ang tungkol doon pero hindi ko magawa. Nanatili lamang ang tingin ko sakanya habang siya naman ay parang nag hahanap ng tamang sasabihin. Hope was just looking at our direction pero alam ko naman na wala siyang nakikita.

"Five years ago, Markus called me and he said that he met an amazing girl. A girl with a voice that can sooth your being, a girl who can express her self without inhibitions and a girl that he wanted to meet again."

Napaawang ang labi ko sa mga sinasabi ng ina ni Markus. Her tears fell while my eyes were watery. Nangilid na ang mga luha ko pero ayaw kong umiyak. Ginawa ko ang lahat para wag silang tumulo.

"Her name was Agatha Joan Montgomery." Nagpakawala ng isang hikbi ang ina ni Markus.

Naninikip ang puso ko sa mga sinabi ng ina ni Markus. It's true.. totoo nga ang sinabi ni Markus. Napansin na niya ako dati pa.

I don't know what to react.

Nandito sa harap ko ang ina ni Markus habang umiiyak sa hindi ko alam na dahilan. Kailangan bang iyakan ang bagay na ito? Bakit parang hirap na hirap siya.

"Mam, bakit niyo po sinasabi sa akin 'to?" Nagawa kong itanong.

"I'm showing you how much you mean to him. Alam ko rin kung bakit nasa tabi ka niya. I know you're protecting him. I know you're hired for that job. I know that he still likes you and I know you feel the same."

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon