Bullet 10

141K 3.3K 125
                                    

Gatas

I don't know what to say. I barely know him, I mean I knew him for five years but I only know him as the guy who tricked me by using a toblerone. Sa kondisyon ko ngayon, sa nararamdaman ko ngayon, natatakot ako dahil baka magkamali ako. My feelings were too biased.

Kung pwede ko lang hilahin si Ate Adrianna ay gagawin ko para iharap sakanya ang lalaking 'to. She will know if he's saying the truth.

Natigilan ako at sabay kaming napalingon nang may bumusina sa likod. Lihim akong nag bunyi nang makita ang isa sa mga sasakyan ng SF.

"Nandyan na sila.." I traced.

Mabilis akong bumaba ng kotse at dumiretso sa sasakyan na 'yon. Sumunod din siya agad at sumakay din.

Only Kina and Geric was here.

Literal akong natigilan dahil naramdaman ko ang pag punas niya sa akin. Tinignan ko siya.. I was expecting to see his famous smirk but his warm smile welcomed me.

"Ako na.. salamat." Saad ko at inayos ang sarili ko.

Kita ko ang pag ngiwi niya.

"They're checking on the plate number, Cap." Report ni Geric.

"Good, kumusta naman ang Report na pinapagawa ko? Na submit ba kay commander?" Tanong ko habang inaabot kay Markus ang coat niya.

He looked at it and didn't even tried to get it. Huminga ako ng malalim at linagay 'yon sa tabi niya. Medyo nag lagay ako ng malaking distansya sa pagitan namin dahil hanggang ngayon ay nasa gyera pa rin ang puso ko.

"Yes, yung sa bahay naman na pina check mo. Nobody is named under that house right now pero sa kakakalkal namin ng impormasyon ay nalaman naming dati itong pag mamayari ng mga De la Fuente." Ani Kina.

Napatingin ako saglit kay Markus pero mukhang hindi siya nakikinig.

De la Fuente?

Is it something to be worried about?

"How about the hotel? Did you check on it?" Tanong ko habang nanatili ang tingin kay Markus na nakapikit na ngayon.

He look so peaceful..

Napagod siguro talaga siya.

"They're still checking every footage but we learned that a De la Fuente checked in today at the exact floor you said." Sagot ni Geric.

Napakagat ako sa aking labi. What's this? What I'm thinking is ridiculous pero hindi malayong mangyari..

May hula na ako pero kailangan ko pa ng ebidensya.

"Alamin niyo ang room number na 'yon. Ako mismo ang titingin sa footage." Saad ko.

"Yes Cap." Sagot ni Geric at agad na gumawa ng phone call, asking Ramon to do what I said.

Liningon ko si Markus na nakapikit pa rin. Ngumiti ako ng marahan at pumikit na rin.

Kung sino man ang gustong pumatay sakanya.. I will do everything just to protect him. For the country and for the mission..

'Wag mong kakalimutan, Agatha.. kung bakit ka nandito.

"Nakuha mo ba?" Tanong ko kay Ramon habang nasa sala kami ng bahay ni Markus.

Madaling araw na at siguradong tulog na 'yon. Ayaw kong malaman niya kumg anong nasa isip ko ngayon. Siguradong magagalit siya kung malaman niya kung sino ang hinala kong nasa likod nito.

"Yes, Cap." Sagot ni Ramon.

Umupo ako sa tabi niya at hinintay ang video. Ako, Ramon at si Kina lang ang nandito. Masyadong halata kung lahat kami nandito kaya sinabihan ko ang iba na magpahinga na.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon