Bullet 28

101K 2.6K 154
                                    

Lifetime

Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang dala kong box na may lamang baked cookies, brownies and cupcakes. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at wala pa man ay nararamdaman ko na ang pamimitik nito.

Humugot ako ng hininga at kumatok. Lumunok ako para pakalmahin ang sarili ko. Halos mapapitlag ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at bumungad sa akin ay ang step mother niya.

Ngumiti ako. "Magandang gabi po." Bati ko.

"Magandang gabi." Bati niya pabalik at binigyan rin ako ng ngiti.

"Ma, sino 'yan?" Narinig kong tanong ni Markus mula sa loob.

Sa munting pagkarinig ng boses niya ay parang gusto ko ng umalis. Hindi ko ata kayang kausapin siya na alam kong huling pagkakataon na 'to. Mas nanikip lamang ang puso ko dahil dito.

Binuksan niya pa lalo ang pintuan at tuluyan na akong pumasok. Kahit hirap ay hinanap ng mga mata ko si Markus at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Mabilis na sumilay ang ngiti sakanyang mga labi habang nakatingin sa akin.

"Maiwan ko muna kayo." Pamamaalam ng step mother niya.

Tumango lamang ako at lihim na nagpasalamat. Hindi ko ata kakayanin na makausap si Markus na nanonood ang step mother niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanatili lamang akong nakatayo sa harap niya habang nakatingin sakanya. Sinusuri ko ang bawat detalye ng kanyang mukha.

"Dapat ay hindi ka na kumatok. You're always welcome here." Aniya.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sandali sa sapatos ko bago muli nag angat ng tingin sakanya.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang makipag usap sakanya.

"Mukhang magaling ka na. You're talkative already." Natatawang wika ko.

Nakita ko ang pag ngiwi niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Okay na siya, okay na okay na siya at 'yun ang mahalaga. Medyo maputla pa siya pero mas okay na ang itsura niya kay'sa noong huli kong kita sakanya.

"I saw you already, bigla akong nagka energy." Proud niyang saad.

Napaismid ako sa sinabi niya at pilit na tumitingin sa ibang direksyon para hindi ako malunod sa mga tingin niya. My heart is beating like crazy and it's not helping me.

"Bolero!" Balik ko sakanya.

"What? I'm saying the truth. By the way, bakit ba nandyan ka? Lumapit ka nga dito." Aniya.

Napalunok ako muli at huminga ng malalim. Hirap na hirap na nga akong tumingin sakanya tapos ay papalapitin niya pa ako. This is so hard for me.

Kahit na hirap ay humakbang pa rin ako palapit sakanya. Bawat hakbang ko ata ay pakiramdam ko umaangat ako sa lupa dahil sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin. Tingin na kahit sinong babae ay nanaisin.

"Umupo ka dito." Utos niya.

Tinapik niya ang malawak na space sakanyang tabi. May upuan naman bakit hindi niya ako doon paupuin? Tinitigan ko lamang siya habang nakatayo sa gilid niya. Gusto kong punahin ang pag utos niya sa akin pero hindi ko na ginawa.

"What's your problem?" Tanong niya.

Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako kaya bumagsak ako paupo sa tabi niya. I'm sitting on his hospital bed. Nakaharap ako sakanya habang siya ay matamang nakatingin sa akin.

"Wala.." I breathed.

Ngayong nakikita ko siya ng malapitan ay mas sumisikip ang puso ko. Mas nasasaktan ito at mas naghihirap. Kakayanin ko kayang hindi siya makita? Sabagay, nabuhay ako ng napakaraming taon na wala siya bakit pa ako mahihirapan?

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon