Bullet 7

133K 3.5K 375
                                    

Ex manliligaw

"What?" Tanong niya pero ginawa pa rin ang utos ko.

Tumakbo ako at tinungo ang binds. I closed it thoroughly at luminga linga. Nawala ang pulang bilog..

Pumunta ako sa pader kung saan nakatapat ang pulang bilog kanina. Hinawakan ko 'yon at kinalkula ko kung saan nanggaling 'yon. Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa orasan sa bandang taas mismo.

At one o'clock..

Damn.

"What happened?" Tanong niya sa akin.

Nakalapit na siya sa akin at hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako doon at kitang dumudugo ito pero hindi ko 'yon pinansin.

Pinilig ko ang ulo ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Mukha namang safe siya..

"Are you hurt?" Tanong ko.

Umiling siya. "But you are."

Hinila niya ako at ini-upo sa swivel chair niya. Bahagyang umuwang ang labi ko dahil doon. I mean.. it's weird to sit on his swivel chair. Pwede naman ako doon sa sofa.

Kumalabog ang puso ko.

I don't know why I found that so special.. mababaw talaga ata ako.

"Wait here." Aniya at dumiretso sa upuan.

Bahagya pa akong nataranta dahil baka delikado sa labas pero nawala ang pangamba ko nang hindi siya lumabas. Binuksan niya lang 'yon para siguro makausap ang sekretarya niya.

"Nasaan na 'yung pinapabili ko?" Rinig kong tanong niya.

Tinignan ko ang lamesa niya at kumunot ang noo ko dahil sa napansin kong naka engrave na initials sa wooden table niya. Maliit lang 'to pero agad mapapansin dahil sa napaka gandang pagkakagawa.

AJM.

Ano 'yon? Anong ibig sabihin ng AJM?

"Let's fix your wound."

Linapag niya ang kit sa table niya at kumuha ng spare chair. Linagay niya 'yon sa harapan ko at namilog ang mata ko nang tanggalin niya ang coat niya.

"Anong ginagawa mo?" Kunot noo na tanong ko.

Bakit siya nag huhubad? Aba't! Balak ba niya akong i-seduce gamit ang katawan niyang sigurado akong batak sa work out?

Hindi ba sapat sakanya ang mga nakaw niyang halik? Gusto niya ba all the way na? No! No way! Hindi pwede!

Linagay niya ang coat sa likod niya at tinaasan ako ng kilay. Kumunot ang noo niya pero sa huli ay bigla siyang humalakhak. Matalim ko naman siyang tinignan dahil doon.

"What? Anong masama sa tanggalin ang coat ko para mas makagalaw ako ng maayos?"

Tinanggal lang niya para makagalaw ng maayos? So hindi..

Napaiwas ako ng tingin at tumikhim. Teka, mapapahiya pa ata ako!

"Wala naman. Walang masama." Saad ko habang kunyari ay sinusuri ang kit sa harap ko.

Binaba ko ang mga pangalan ng gamot na at panglinis ng sugat na nandoon pero wala naman talagang pumapasok sa utak ko.

"Really? Feel ko meron kang naiisip kanina." Rinig kong pang aasar niya.

Binalingan ko siya ng masamang tingin kaya natawa nanaman siya. Nakakainis talaga ang tawa niya! Nakakabusog! Ang sarap pakinggan!

Really Agatha? Really? What the heck!

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon