Chapter 3: Angel

19.2K 808 134
                                    

Sav has no choice but to hit a ride with me. Pinilit ko siya, syempre. Her mother helped me in convincing her 'til Sav lost her patience and said yes.

We can't talk while I'm driving. Hindi ko naman pwede gamitin ang phone ko at mag-type ng sasabihin sa kanya habang nagdadrive dahil delikado 'yon. I promised her parents, I'll keep her safe.

Mukhang wala din naman siyang balak makipag-usap sa akin dahil tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana.

Ten minutes lang ang layo ng school. Nang maipark ko ang kotse ay mabilis siyang lumabas. I snatched the key and run after her. Pinasak niya ang earbuds sa magkabila niyang tenga.

I grabbed her by the wrist and hauled her towards me. I know she's mad kasi pumunta ako ng bahay niya ng walang pahintulot.

Tinignan niya ako ng masama bago nagsalita, "I don't want to waste my time with you, Cryd. May klase ako."

Ngumisi ako dahil doon. I'm already loving her voice. Soft, sweet, soothing and gentle. This is the first time I heard her talk. Nakakataba ng puso na nag-effort siyang magsalita para sa akin.

Kinuha ko ang phone ko at nag-type doon gamit ang isang kamay dahil ang isa pa'y nakahawak sa siko niya.

Cryd: Sav, sorry na. Wag ka na kasi magalit. Gusto ko lang ihatid at sunduin ka araw-araw para safe, diba?

She groaned and grabbed my phone. Tumipa siya ng isasagot doon.

Sav: Matagal na akong nagcocommute. Don't bother. Hindi natin lubos kilala ang isa't isa. Wag mo kong kulitin.

Cryd: I already told you I insist. Pumayag ang mommy mo so I don't think you have a choice. Btw, sabay ka mag-lunch sa'min mamaya.

Sav: No thanks.

Umirap siya at naglakad na palayo. I chuckled and followed her. Sinigurado ko munang safe siyang nakarating sa classroom niya bago tumungo sa klase ko. Luckily, late ang teacher namin.

I don't know why I want to keep her safe always. We just knew each other for what? Three days? I felt so attached to her already.

Para kasi siyang isang vase na konting tabig mo lang pwedeng mabasag. And I don't want her to break. Well, if she's already broken because of Dwight The Arse, I'm willing to piece her back together then keep her protected.

"Parang good mood ka ngayon." Sambit ni Will na nasa tabi ko, "Si Sav ba 'yan?"

"Dude, I warned you!" Nico said on my other side. Ngumiti na lamang ako at umiling-iling. Nagkaroon kami ng long test sa Advanced Algebra ngayon. As usual, I got a perfect score. Easy.

"Text Reina to take their lunch with us again." Bulong ko kay Nico. He nodded and continued scribbling something on his notes.

After the class, dumiretso ako sa room kanina ni Sav. Mabuti at hindi pa siya nakakaalis. Pinagtinginan ako ng ilang babae habang hinihintay ko si Savanna sa pinto.

When she looked up and saw me, ngumisi ako at kumaway. Umirap lang siya at inis na sinukbit ang bag niya. Nilagpasan niya ako kaya naman sinundan ko siya, "Savanna."

I stopped when she abruptly showed me her phone, Quit following me! Can't you see? Pinagtitinginan tayo ng mga babae mo! I hate the attention so plssssssssssbxbjajskdn

I looked around and saw what she's saying. Pinagbubulungan na din kami but who cares. My attention's only on her.

Kinuha ko ang phone niya at nagtype ng reply, Don't care. Lunch?

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon