Chapter 11: So proud

16.7K 853 218
                                    

Napuyat ako sa kakahintay ng text mula kay Savanna. But she didn't message me like she promised. Kinaumagahan tuloy ay wala ako sa mood.

Gusto kong ako ang maunang magtext pero palagi nalang bang ako? No.

"You're looking really grumpy, Cryd." Sabi ni Mommy while searching for something in her bag. Nasa front seat siya at si Daddy namang nagdadrive. Papunta kasi kaming simbahan ngayon tapos ay aattend ng isang event. Dad wants us to be there for support. Tatanggapin niya kasi ang isang award for being a consistent investor on charity funds.

"Oo nga, kuya. Kagabi lang para kang baliw na ngingiti-ngiti tapos ngayon super simangot." Genieva said beside me.

I ignored them. I'm really not in the mood to talk. I checked my phone but there was no new message. Sighing, pinanood ko nalang ang view sa labas. Kahit magsasummer na ay medyo makulimlim ang langit. Mukhang uulan pa ngayon.

Napapitlag ako sa excitement nang maramdamang mag-vibrate ang phone ko. I immediately took my phone out of my pocket.

From: FREERBT

FREE INFO: Gusto mo siya pero hindi mo masabi sa kanya? Tumawag sa *0330919 at para sayo ang kantang Gusto Kita by Bailey May! Gawin din itong ringback FREE for 5 days (P15/15 days after free). No alerts? Text STOP ALERT to 2370.

To: FREERBT
Oh yeah? Damn you.

Umismid ako at ibinalik sa aking bulsa ang phone. Now, I'm really pissed.

Nang pangalawang beses na magvibrate ang phone ko ay hindi na ako ganoong naexcite. Ayoko ng umasa na siya iyong nagtext tapos hindi naman pala.

And I was right, it's not her.

From: Nico
Dude! I heard nag-back out iyong si Dwight! Here's your chance! Ask Lady Kiana again!

Instead of replying to his text, si Savanna ang sinendan ko ng message. Hindi ko matiis. Shit.

To: Angel
Angel...

Natapos ang misa nang hindi siya nagrereply. Sucks.

Habang naglalunch tuloy kami ay wala pa rin ako sa mood. Mom's asking me what's wrong though I know she know it's about Savanna.

Papunta na kami sa event na sinasabi ni Daddy nang magreply si Sav. I'm not so excited to check my messages though.

From: Angel
I'm sorry. Lowbat kasi ang phone ko tapos nawawala ang charger! Nanghiram lang ako kay Mommy ng charger..

I sighed. Fine, naiintindihan ko. I don't think she'll lie to me about that anyway.

To: Angel
Ok. How's your day?

From: Angel
Good. We're going to Galileo's Pyramid for an event. Magpeplay ako ng piano doon.

"Dad, where exactly are we going? Galileo's?" I asked.

"Yup. Why?"

"Sav's going to be there too." I answered smiling.

"Ayan, si Ate Sav talaga makapagpapangiti kay Kuya!"  Ieva teased. Umiling ako tinuon ulit ang pansin ko sa aking phone.

It's weird how my mood inmediately switches from bad to good just because of Savanna.

To: Angel
You didn't tell me you could play piano...

I know deaf people can. Beethoven's deaf and he became a professional pianist with hundreds of masterpiece.

From: Angel
Do you have to know? Haha.

To: Angel
Of course!

From: Angel
Ok, chill. I like music. It's ironic, diba? Hindi ako nakakarinig pero mahilig ako sa musika. I could play piano and I'm still learning to play guitar. Nagtrain ako noong bata then I keep practicing on my own. I write songs too.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon