Chapter 22: Permission

16.6K 752 366
                                    

I thought Dwight got into a serious accident. Like he was rushed in a hospital, getting a doctor mending him. Hindi pala. Turns out, he only got his ankle sprained. Sav was so worried about him kahit na hindi naman malala ang nangyari.

"You're alive." Sarkastiko kong sabi sa kanya nang puntahan namin siya sa clinic.

Ngumisi lamang si Dwight sa akin at itinuon na ang pansin kay Sav. I watched them talk. Ayoko namang iwan si Sav dito dahil wala akong tiwala kay Dwight. Ang galing lang talaga niyang tumiming dahil naantala ang magandang moment namin kanina ni Sav.

"Hindi pa rin ayos sa inyo?" Sav asked him. She told me once that Dwight's having a problem at home. She didn't say further dahil personal iyon na buhay ni Dwight. I didn't want to dig in to it too.

Umiling lamang ito at ngumiti ng maliit. I noticed he looks quite stressed too. Graduating din naman kasi siya at talagang nakakastress ang mga schoolworks. I'm just glad I'm a patient man.

We stayed in the clinic for the whole day because he wants her to stay. Unfortunately for him, mananatili din ako dito kung mananatili si Sav. Whether he like it or not.

Tinawagan pa nga ako ni Lady Kiana dahil gusto akong kausapin ng nag-training sa akin but I'll deal with him later. Savanna first before anything else.

Sobrang bored na nga ako dahil sila lang naman dalawa ang nag-uusap. Nakakafrustrate na nasa kanya ang atensyon ni Sav kahit nandito naman ako.

Magpanggap kaya ako na may sakit nang mapunta sa akin ang atensyon niya?

Napailing ako sa naisip. Man, that's crazy.

Mabuti nalang talaga at dumating sina Nico at Reina. I can watch something interesting dahil nag-aaway pa ang dalawa nang pumasok.

"What happened?" Bahagya akong sumandal kay Sav, at pinagmasdan ang nakasimangot na mukha ni Reina. Nico slumped on one of the bed, his face was swollen.

"Iyan kasing kaibigan mo!" Reina said furiously, "Ang high blood! Nakipagusap lang naman ako kay Zach dahil may pinapatanong si Mama tungkol sa business nila sa Japan!"

"Kasalanan ko pa?" Nico snorted, and then he cursed when Reina hardly pushed the cold compress on his cheek.

"Of course. Dapat ay nanatili ka nalang doon sa game mo—"

"And what? Let my girl flirt with a Japanese boy?" Nico retorted. Napasipol ako. Hindi naman talaga seloso 'yang si Nico eh, pagdating lang talaga doon kay Zach. Big threat talaga sa kanya si Zach. First, dahil Hapon iyon. Second, ex ni Reina. Third, her family wants her to marry him for their business.

"Tone down your voice." Dwight told them, nainis siguro dahil nakatingin na din si Sav kina Nico.

"They're fighting again." Sav whispered to me. Tumango ako at umakbay sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo. Nag-taas ng kilay si Dwight pero tinaasan ko lang din siya ng kilay.

Akin 'to. Mas inilapit ko si Sav sa akin at nginisian siya.

That night, tinanong ko si Daddy kung paano siya nanligaw kay Mommy. He said the usual. He brought her flowers and chocolates. Sinasamahan kahit saan magpunta. Aalagaan kapag may sakit. Itetext palagi.

And then he eyed me curiously, "Manliligaw ka na?"

I simply nodded. Humalakhak si Dad at umakbay kay Mommy na ngayo'y nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon