Chapter 46: Haunted

16.3K 667 230
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Cryd became clingier each passing day. Iniiwan niya pa rin ako sa bahay niya sa tuwing kailangan niyang bumisita sa isang site. Ayos lang naman iyon sa akin dahil nagkaroon na ako ng ibang pagkakaabalahan.

Bukod kasi sa mga aquarium fishes na binili namin noong nakaraang linggo ay binilhan niya rin ako ng aso. It's a golden retriever. I named him Goldy. Sa tuwing wala si Cryd, nakikipaglaro ako kay Goldy.

Madalas ring bumisita dito sina Ieva at London. Tuwing uwian na nila'y dito sila dumidiretso at sumasabay na sa pag-kain ng dinner. Nagkukwentuhan kami tungkol sa mga naging ganap nila sa buhay.

I learned that Genieva's trying to get in the arts club which I think isn't impossible because when she showed me her work, all of it was wonderful. Just like her brother, she has a thing for art.

"Edi gusto mo ring mag-architecture?" I asked her once.

Umiling siya. "I just want to be an artist, Ate. Pangarap kong magkaroon ako ng art exhibit sa iba't ibang bansa. But I don't know yet. I'm still fourteen. Long way to go pa..." she shrugged.

London, on the other hand, told me that he's part of a band. He's the vocalist. He even asked me if I could write songs for them. I immediately agreed. And I'm excited for it...

I also asked them about their lovelife. Genieva didn't share hers. Pero si London, ang daming naikwento. Ilang beses ko siyang nabato ng unan dahil sa mga kalokohang nagawa niya sa mga babae. He's young pero ilang babae na ang napaiyak niya. Ni hindi niya raw alam kung ilan na nagiging girlfriend niya.

"And what's the point of doing that?" I asked.

Nagkibit siya ng balikat pero nakisingit si Ieva sa usapan. "Pinagseselos niya si Ate Cash. 'Di naman effective."

"Imbento ka!" halakhak ni London saka gigil na kinurot ang pisngi ni Ieva.

"Totoo naman. You had a crush on her before. First kiss niyo pa ang isa't isa!" she revealed and laughed.

Nakitawa na lamang ako sa kanila. But, of course, I tried telling London that it's not right to play with girl's feelings. Ewan ko nga lang kung nakinig siya. Mukhang puro kalokohan kasi ang nasa utak nito.

Saktong pagkatapos kong mag-luto ng hapuna'y tumunog ang aking phone. Nakita ko ang caller ID ni Mommy at agad ko itong sinagot. "Hello, ma..."

"I booked you a ticket. It's scheduled on the 29th."

Napaawang ang bibig ko. "Po?"

"Hindi ba't sinabi mo sa aking uuwi ka dito't bibisita tayo sa Cedar Hill?"

Huminga ako ng malalim. "Opo..."

"Susunduin ka namin sa airport. Hindi ko alam kung sasama si LK dito pero tatanungin ko siya para may kasabay ka. Humingi ka na muna ng leave mula sa..." tumigil saglit si Mommy bago magsalitang muli. "Boss mong si Cryd..."

Pinikit ko ng mariin ang aking mata. Sa sobrang smooth ng pagdaan ng araw ay nawala sa isip ko ang panandaliang bakasyon ko sa Maryland para bumisita sa Pennsylvania. At ngayo'y nakapag-book na si Mommy. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Cryd na aalis ako. Baka magkagalit pa kami o 'di kaya'y sumama siya sa akin...

"Anak, sinabi sa akin ni LK na nagkabalikan na kayong dalawa ni Cryd..." malumanay ang pagkakasabi ni Mommy pero bakas ang pag-aalala. "Nasabi mo na ba sa kanya ang..."

"Hindi pa po."

"You know if you really want to pursue your relationship with him, you have to tell him about it, sooner or later," pangaral ni Mommy. "I really am happy for you, Sav. I know how much you love Cryd. Pero hindi mo maisisikreto iyon habang buhay. You can't be happy if you're keeping everything to yourself, okay?"

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon