Chapter 31: Nothing

13K 656 177
                                    

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko habang tinitignan siyang nakatayo doon. The coldness in his eyes was too evident that I can't help but feel undeniable pain in my chest.

"Savanna!" malakas na tawag sa akin ni Mrs. Rivera.

Dahil sa pag-tawag na iyon ay saka lang ako nabalik sa ulirat. Doon ko lang din napagtantong basang-basa na pala ako ng juice na iniinom ko kanina!

I got distracted by his presence that I totally forgot I was drinking!

The glass was already empty and I was soaking in orange juice. Padarag kong naibaba ang baso sa sobrang pagkataranta. Ang kulay puti kong damit ay ngayo'y nagkukulay kahel na dahil sa natapong juice.

Mabilis na nagbigay sa akin ng panyo si Architect Alston.

Narinig ko pa ang paghagikgik ng aking pinsan sa gilid. "So, that's how you'd react. Gosh, this is epic."

Pinunasan kong mabuti ang aking damit at basang pantalon ngunit wala naman iyong nagawa. Naiiyak na ako sa pagkataranta. Napakapalpak mo naman Savanna!

"MJ, you have extra clothes in your office, right?" narinig kong sabi niya sa isang malamig na boses. Nangilabot ako doon. The first time I heard his voice...it was sweet and soft. Now, it's different. His voice was firm and frigid.

"Oh, yes," sagot naman ng isa. Sumulyap ako sa kanila at nakita ang pag-ngiti sa akin ni Megan. "Christine, pakikuha naman sa office yung spare shirt and shorts ko doon, please."

"Okay, Ma'am," ani nito at mabilis na umalis.

"I have a common bathroom in my office, you can change there. Mas malapit iyon dahil ilang palapag pa ang layo ng kay Megan," sabi ni Architect Alston. Huminga ako ng malalim at hindi na lamang nag-salita.

Grabe! Nakakahiya!

Nakayuko akong pumirmi sa aking upuan at pinaglaruan ang aking mga daliri. My heart won't slow down because he's just near me! Hihimatayin ata ako sa sobrang kaba!

I know there's a possibility that we will meet pero hindi ko naman ineexpect na ganito kaaga! Ni hindi ako nakapaghanda! At talagang, umiral pa ang ka-clumsihan ko!

"Savanna, stand up," utos sa akin ni Mrs. Rivera. Agad akong tumayo at sumulyap sa kanila. Naabutan kong nakangiti sa akin si Megan. Ang ganda niya...

Mahaba't tuwid ang kanyang buhok. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang dress dahil maganda ang hubog ng kanyang katawan. Her skin's whiter than mine. At ni walang bahid ng make-up sa kanyang mukha. She looks fresh and beautiful, just like the first time I saw her before.

"I'm Engineer Megan Joreen Alston," she introduced then lend her hand. "We're from the same school before. Savanna Esquivel, right?"

I nodded and shook her hand reluctantly. Ang lambot din ng kamay niya!

"And this..." tinuro niya ang kanyang katabi. "...is."

"Architect Cryd Constantine," he continued at kagaya ni Engineer ay nilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

Tinitigan ko lamang iyon.

Natatakot ako na baka kapag nag-kamay kami'y maramdaman niya ang panginginig ko. Halos mag-palpitate na nga ako dito dahil sa presensiya niya!

His hand remained floating in mid-air at ako nama'y patuloy lang na nakatingin doon. I don't know what to do! My body felt numb! It won't even budge!

Nang mapagtantong wala akong planong makipag-kamay ay ibinaba niya iyon.

Narinig ko ang pag-sipol ni Ate Kiana at pagbulong ng "awkward" dahilan para mas mabalisa ako sa nangyayari.

I cleared my throat and introduced the woman beside me. "This is Mrs. Mae Rivera. My budget consultant."

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon