Chapter 12: Okay

16.4K 688 196
                                    

That night, hindi ko naitanong sa kanya kung ano ang kinalabasan ng pag-uusap nila ni Dwight. She didn't open up the conversation at ayoko rin munang pag-usapan iyon. Baka masira lang ang maganda kong mood kagabi.

But I'm determined to ask her today. Sa Friday na ang prom and I want to know her decision. Alam ko namang si Dwight ang pipiliin niya, still, I'm hoping she'll choose me instead.

To: Angel
Good morning!

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang kisame. Mabilis kong kinuha ang phone ko nang may magreply.

From: Angel
Morning...

This is frustrating. Naeexcite akong makita ang message, hoping that it was from Sav. Tapos kapag galing nga sa kanya, hindi maalis sa labi ko ang ngiti.

She affected me that much. And I've known her for just two weeks!

Really, I need to focus on Lady Kiana. She's the one I love, not Sav...I mean, I love Savanna, she's my friend. Pero...ugh!

To: Angel
How's your sleep?

While waiting for her reply, I stalked Lady Kiana's social accounts like I always do for the past six years. Nitong mga nakaraang linggo'y natigil ako sa kinagawian ko dahil palagi kaming magkatext ni Savanna...

I saw Lady Kiana's latest status. It was updated last Saturday.

Lady Kiana Visto:
No date...no date...what a shame. Haha. At least, I have my friends ❤️

I scanned some of the comments. Umabot ito ng tatlong daan pero iyong iba lang ang binasa ko.

Cherrie Sanchez: Jerk alert. You could go and ask the other one, beh... He won't ditch you like DAP the jerk.

Rosalie Lipana: Sang-ayon ako kay Cher. Mas gwapo pa si PCCC hahaha siya nalang

Reina Avila: Holy...shisjanzbj. Savanna Esquivel...

Dwight Poblacion: I'm really sorry, LK.

Nashiel S. Tostillas: Ayos lang 'yan, bata. Mas masaklap ma-friend-zoned...Hi, love, hehe..Dakota S. Tostillas.

Nanliit ang mata ko nang may mabasang comment ni Sav.

Savanna Esquivel: Hala...

"Tss." Umirap ako at kniclose na ang app, sakto namang nakareceive ako ng message mula sa kanya.

From: Angel
Good pero gusto ko pa matulog. If only I could ditch my classes today kaso may quiz kami sa dalawang subj. ngayon :(

To: Angel
Did you review?

From: Angel
Uhh...No :D

Ngumuso ako at bumangon ng kama bago tumipa ng isasagot.

To: Angel
Pasaway...

From: Angel
Magrereview nalang ako while on the way. Susunduin mo ba ko?

Tumaas ang aking kilay, "Of course, Angel. Damn it."

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon