Chapter 19: Lesson not learned

15.9K 707 243
                                    

We all agreed to convince Sav to stop going to school for a week. Ang unang suhestiyon pa nga ng kanyang mga tiyuhin ay itigil na muna ang pag-aaral niya pero ayaw naman niyang huminto dahil nasasayangan siya sa mga napag-aralan at saka patapos na rin ang school year. Kaya napagdesisyunang aabsent na lamang siya ng isang linggo.

It's better like that because it isn't safe for her to lurk around the campus while the issue about her is still a trending topic. I could always protect her but that means I have to cut class. Mom wouldn't be happy about it kahit na para naman iyon kay Sav. And I know, Sav won't agree as well.

To: Angel
Papunta na akong school. Eat your breakfast.

Inilapag ko ang phone ko sa dashboard at pinaandar na ang sasakyan. Medyo kulang pa din ako sa tulog pero makakabawi pa naman ako.

When I arrived at school, ang una kong gustong gawin ay ang makausap si Lovely pero away ng mga babae ang nadatnan ko. Hindi ko sana iyon pakekealaman kung hindi lang dawit sina Reina at Velvet doon.

"You are a shit! Eh ano ngayon kung bingi si Savanna? Does that make you prettier than her? No!" Velvet shouted at Lovely. Binato niya pa ito ng panyo, like it would hurt her.

"You are so, so desperate! Gusto mo si Dwight, diba? Gusto mo din si Cryd? Gusto ka ba nila? No! Sorry ka nalang dahil wala silang gusto sa'yo. At sa pinakita mong ugali, hinding-hindi sila magkakagusto sa'yo!" Reina hollered, "Ambisyosa!"

"Ano bang problema niyo? Hindi kayo si Savanna kaya 'wag kayong OA!" Ani Lovely, nasa tabi niya ang kanyang mga kaibigan.

"Savanna's our friend! We have the right to defend her!" Aakmang sasabunutan ni Reina si Lovely pero pumagitna na ako. I caught her wrist, "Violence is never the answer, Reina. Keep calm"

"Cryd!" Reina groaned and shooed my hands, "That girl needs to learn her lesson!"

"Yes, but not by brute force." I told her coldly saka sumulyap kay Lovely na natuwa pa ata sa pag-dating ko.

"My hero." She murmured or maybe that's just my imagination. I'm no one else's hero...only Sav's.

"'Wag ka ngang mangealam!" Reina pushed me away, "Doon ka kay LK, tutal naman pinagpalit mo si Savanna sa kanya!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lovely gasped and started whispering to her friends. Baka kung ano ang maisip nila sa sinabi ni Reina! Damn.

"Rei! What the hell?" Hindi na naipark ni Nico ang motor niya sa pagmamadaling makapunta sa kanyang girlfriend. Suminghap si Reina at padabog na umalis sa kinaroroonan namin. Velvet and Nico ran after her. Susunod na din sana ako kaso pinigilan ako ni Lovely.

Parang nang-aakit pa ang mga ngiting ibinibigay nito. I can't believe she can still smile at me after what she did to my angel.

"Thank you pala. If you didn't stop her, baka nasampal na niya ako." Humagikgik pa ito. Tinukso siya ng kanyang mga kaibigan.

If I were Reina, I would be urging to do the same. Sa baho ba naman ng ugali nitong si Lovely eh, tapos si Savanna pa ang tinarget. Pero ayoko lang talaga na may nasasaktang babae, physically and emotionally. Though hindi maiiwasan iyon, huwag lang sanang dinadaan sa init ng ulo ang lahat.

I hate violence because it was never the solution to anything. You don't have to kick someone's ass to make them pay and satisfy your guts. We could always use our words, and make peace. Iyon nga lang, hindi lahat ng tao ay open-minded.

"You're welcome." Malamig kong sagot. I wonder if she had read the comment I left on her post. Probably not, she wouldn't look at me flirtatiously if she knows I'm disgusted of what she did.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon