Chapter 42: Lies

16.1K 725 332
                                    

Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat sabihin matapos marinig iyon sa kanya. My heart's pounding erratically but still, I'm not sure if I should trust his words. He told me before that he wants to have his revenge so bad, and what if this is part of it? What if he's doing this as part of his game?

At paano naman kung hindi, Sav? Paano kung totoo iyon? Totoong wala silang relasyon ni Megan at mayroon pa siyang nararamdaman sa'yo. What would you do?

Before, I told myself not to get involved with his life anymore. But then, I became his secretary.

Months ago I was determined that I will be brave enough to let him love someone else because he deserves it. He deserves the best. But then, I'm hurting.

Days ago, I told his mom I'd stay away. The sad part is, I don't think I can. Especially when he's acting like this.

If he's doing this for revenge, I wish he'd stop. Dahil kapag nalaman kong totoo nga ang iniisip kong naghihiganti lamang siya, baka maisipan ko ng...

Bumuga akong malalim na hininga at itinigil ang pag-iisip. No, Sav. You're a fighter. The truth might hurt but you'll get over it.

"It's cold out here. Let's go inside," he murmured and held my hand softly. He pulled me inside. Hindi na ako nag-apila pa pero inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Naramdaman ko ang pagtitig niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin.

"Cryd, come here!" masiglang tawag sa kanya ni Engineer. Tutungo na sana ako sa table namin kanina nina Reina kaso'y hinaklit ni Architect ang aking siko.

"Stop running away from me, Sav. You know I won't get tired of chasing."

I bit my lower lip. Why is he so...

"Tawag ka ni Engineer. Doon lang ako kina Reina," paliwanag ko sa isang paos na boses.

"No. Stay beside me," aniya saka ako hinila sa kung saan naroon si Megan. Binaba ni Cryd ang hawak niya sa siko ko. Nakangiti naman si Megan sa akin. Her cheeks were burning red. Nakainom na siguro...

But I don't think she's drunk. Probably, just a little tipsy.

"Let's play a game!" she cheered. Sumang-ayon sa kanya ang grupo ng mga lalaki, pati na si Ate Kiana.

"Bring me those bowls!" she called an employee. May nag-abot sa kanya ng dalawang bowl. One's filled with blue papers, the others were red. Ang sabi niya'y nakalagay daw roon lahat ng pangalan namin at mamimili lamang siya ng limang babae at limang lalaki na maglalaro. Isang lalaki't babae ang magkakampi sa larong ito.

"Of course, ang unang mag-partner ay kami ni birthday boy," sabay hila kay Cryd palayo sa akin. Pero dahil nakahawak siya sa aki'y nahila rin ako't napasubsob sa kanyang braso.

Agad akong lumayo para himasin ang aking ilong. Feeling ko'y bigla akong napango dahil sa isang beses na pag-flat ng mukha ko sa braso ni Architect. Bakit kasi ang tigas...

"Are you alright?" tanong niya. Unti-unti kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan pero hinigpitan niya ito na para bang ayaw akong pakawalan.

"I'll just go to the washroom," mahina kong bulong.

"I'll go with you then."

Seriously? Why is he being clingy to me today?

"Kaya kong mag-isa," giit ko.

"I just want to come with you and make sure you won't leave."

Nag-tama ang mata namin. His eyes looks weary. He must've been tired after a long day.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon