Chapter Three: Reminiscing the first day we met

2.8K 116 31
                                    


Chapter Three: Reminiscing the first day we met


Rae's POV


"Ang senti bro" banat sakin ni Raf.

"Pa macho ka masyado. Manahimik ka nga dyan" saway naman ni Pat sa kanya.

"Remember nung tumawag ako sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"yes! At grabe. That was the very first time you ever called just because you met a girl. Di ka naging ganyan kay Victoria" napangiti ako sa sinabi ni Pat. She's right. Yung kay cecille? Ang dami kong first time sa kanya.

I can clearly remember that day. The day when I first saw her.

I was lazily and sleepish-ly walking down the aisle of the church para sa pag-aalay. Hanggang sa marinig ko ang isang malamyos na tinig.

Rinig na rin sa buong simbahan ang pagkanta ng choir. Patuloy lang ako sa paglakad na parang zombie hanggang sa makarinig ako ng isang malamyos na tinig. Nagpalingon lingon ako sa paligid hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang gild ng simbahan. Duon nakatungtong ang mga babae at lalaki na nakasuot ng puting polo shirt habang kumakanta. Lahat naman sila ay magaling kumanta pero umagaw sa pandinig ko ang solong pagkanta ng isang babae. Sa tingin ko ay kaedaran ko lang sya, maputi sya at itim na itim ang mahabang buhok nya. Cute ang maliit pero matangos nyang ilong at maninipis ang pinkish nyang labi. Nakapikit lang sya habang kumakanta na tila ba walang pakialam sa dami ng matang nakatingin sa kanya dahil sa paghanga. Nakasuot sya sa salamin na Malaki ang frame kaya hindi ko pa rin masyadong maainag ang mga mata nya pag dumidilat sya. Halata sakanya na enjoy na enjoy sya sa pagkanta. Ang ganda nya! O lord. Crush ko na ata sya agad.

Nahinto lang ako sa paglalakad nung mabunggo ako sa nasa harapan ko.

"Huy insan san ka ba nakatingin?" tanong sakin ni Erica.

"wala insan" sagot ko sa kanya. Kahit na nagkakandahaba na yung leeg ko sa kakasilip dun sa babae dahil hindi na kita sa harap ng altar ang pwesto nila.

Tapos naalala ko pa kung paano ko kinulit si Erica nun para lang malaman kung sino sya. at nakuha ko naman ang magandang pangalan nya.

"Insan sino yung nakasalamin dun sa mga choir?" tanong ko kay Erica ng hindi inaalis yung tingin ko sa choir stand. di na ko nakatiis kaya nagtanong na ko.

"Alin dyan? Ang dami nilang nakasalamin dyan"

"Yung nasa gitnang babae, yung maputi tapos itim yung frame ng salamin."

"Ah si Cecille? Classmate ko yan" casual na pagkakasabi nya. Napalingon ako sa kanya. Cecille pala ang pangalan nya. Ang ganda bagay sa kanya kasi maganda rin sya.

"Pakilala mo naman ako insan!" excited na sabi ko sa kanya

"Nako wag na yan insan, iba na lang" sagot nya sakin.

"Bakit naman?" takang tanong ko.

"Alam ko kasi kung anong nasa isip mo."

"Sus makikipag-kaibigan lang naman e."

"Kung hindi ko alam kung ano ka baka maniwala pa ko insan. Pero naiintindihan naman kita kasi marami talagang nahuhumaling dyan kay Ces" napatingin ulit ako sa gawi ng choir stand. Nag-uusap sila habang nakahawak sa isang papel. Malamang para sa susunod nilang kakantahin.

"Grabe ka naman insan"

"tingin ka sa pinakamataas na row. Nakikita mo yung nasa center na lalaki na nakasalamin rin?"

Forgetting CecilleWhere stories live. Discover now