Chapter Nine: The new girl

2.3K 108 45
                                    

Chapter Nine: The new girl.


Almost three years later...


Rae's POV

"Damn Patty stop crying. Kanina pa retouch ng retouch ng make-up mo si tita" sabi ko habang pilit syng pinapatigil na umiyak. It's their graduation. Silang dalawa ni Raf. Ako next year pa, makakasabay ko si Jean dahil may mga binagsak pala itong subject saka nag-skip din ng isang sem dahil sa pagkaka-aresto samin noon.

"Super OA mo naman Fat. Medyo nakaka-inis na ha. As if naman hindi na tayo magkikita kita nito. Wag kang mag-alala hindi ko hahayaan na mamiss mo ang mga muka namin." Sabi nito ni Raf na kanina pa rin ginagawa ang lahat para patahanin si Pat.

"Nakaka-inis naman kayo. Parang wala lang sa inyo to. Saka ikaw Rae! Kung hindi lang kasi –"

"Patty. Don't. okay na yun. I've moved on. Kaya ikaw rin sana. Tama si Raf. Di kami magpapamiss sayo. Saka wag kang mag-alala. Nandyan pa naman si Jean kaya di ako magsosolo sa school" sabi ko. I keep ko touching her cheeks para pakalmahin na sya.

"Promise I won't let her alone" sabi ni Jean na kasama rin namin ngayon para umattend ng graduation ng mga kaibigan namin.

"Hmp. Kaya nga ako nag-aalala kasi kayong dalawa lang ang maiiwan sa school" napatawa naman kami ni Jean. Hindi pa rin sya tumitigil ng pagsusungit kay Jean. Pero all through out the years napapansin namin na parang lambingan na nila yun. Minsan nga naiisip namin ni Raf na baka may something na sa dalawa. Dinadaan lang nila kami sa ganun.

Katakot takot na kurot naman ang nakukuha namin kay Pat pag naririnig nya na tinutukso namin sya kay Jean.

"C'mon Fat. Halika na. pinapa-line up na yung mga courses" hinila na ni Raf si Pat papunta sa spot nila. Kami naman ni Jean nagpunta na sa audience side. Nandun na rin ang mga parents nila Pat at Raf.

"Ano tumigil naba ang princess ko sap ag-iyak" I roll my eyes then answer tito. Pat's Dad.

"You bet tito"

"Hayaan mo na hon. Alam mo namang may pagka-OA yang anak mo" sabi ni tita. Hah! Imagine pati si tita alam nya kung pano si Pat pag sinusumpong na.

Nagsimula na ang ceremony. Maraming mahahabang speeches ang nagdaan. Kung hindi pa nga ako sinisiko ni Tita Annie baka nakatulog na kami ni Jean.

Isa isa ng tinatawag ang mga pangalan ng mga graduates. Nung si Raf na yung tinawag sa halip na bumaba sya agad pagkakuha nya ng diploma nya pumunta pa sya sa gitna ng stage at sumigaw ng "Yes! No more home works!" tapos sabay takbo nung papunta na yung mga cadets sa kanya para i-escort sya pababa. Si tita Wena napatakip na lang ng hawak nyang panyo sa muka nya dahil sa ginagawa ng anak nya.

If not for him talagang mabobore na ko dito. And when it's Pat's time. Sila tita at tito naman ang napaiyak. Bakit naman hindi eh nakuha ng anak nila ang pinakamataas na award na makukuha sa university. She's the suma cum laude of this batch.

"Our princess is so grown up now hun. Parang kaylan lang kinakarga karga ko lang sya. look at her now" now I know kung san nakuha ni Pat yung pagiging iyakin nya, kay Tito. Sa halip kasi na si Tita Annie ang umiiyak, sya pa.

"... in behalf of my co-graduates thank you St. Martin University. Once a Mar-U's, always a Mar-U's (maryus)" and that ends the speech of my beloved friend. Halos alas-dos na ng hapon ng matapos ang buong ceremony. Dumiretso na kami sa hinandang reception para sa kanila. Tita Wena at Tita Annie decided na isang reception na lang ang gawin para kila Raf at Pat. Tutal hindi naman na kami iba sa isa't isa.

Forgetting CecilleOnde histórias criam vida. Descubra agora