Chapter Eleven: Goodnight

2.4K 97 17
                                    

Chapter Eleven: Goodnight



Rae's POV

"Grabe naman bro, isang gabi lang oh! May trouble ka na naman" tumatawang sabi ni Raf sa kabilang linya. Nung umakyat ako sa kwarto balak ko sana matulog na lang para naman luminaw yung utak ko pero nakukuha ko pa lang sana yung antok, tumawag naman tong luko-luko na to.

"Shut up Raf." Inis na sabi ko sa kanya.

"Iba ka talaga! Naunahan mo na nga akong mawalan ng virginity –"

"Fvck you. I'm still a virgin!" awat ko sa kanya.

"haha I know. Basta inunahan mo na nga akong magka-girlfriend, ngayon naman inunahan mo naman akong maging daddy! Lupit mo naman po" mapang-asar na sabi pa rin nito habang pilit pinipigilan yung tawa.

"At sino namang tsimosa ang nagsabi nyan sayo ha?"

"Sumbong kita kay yaya Glo! Sasabihin kong sinabi mon a chismosa sya" pananakot nito sakin.

"Ewan sayo. Wait. Pat is calling too" sabi ko dahil nasa call waiting na si Pat.

"sagutin mo na! Conference tayo. I wanna hear what she would say" tumatawa pa ring sabi nito. I rolled my eyes before I answer Pat's call.

"Daniela Rae what the hell! Ano na naman yan? Gusto mo talaga lagi nasa trouble no?" yan ang bungad ng galit na galit na si Pat. Halos habulin na nito ang hininga dahil sa bilis ng pagsasalita. Nilayo ko pa nga ng bahagya yung phone sa tenga ko dahil ang lakas ng sigaw nya.

"hahahahaha" yan ang maririnig mo galing kay Raf. Isang napakalutong na tawa.

"is that Rafael? Confe ba to? Rae!!" sigaw na naman nito.

"I know she would say that. Grabe!" puro tawa pa rin ang maririnig mo sa tawag.

"Shut up!" sigaw ni Pat.

"Pat pwede ba? Stop shouting. Ang sakit na ng tenga ko. pag di pa kayo tumigil papatayin ko na to. O kaya kayong dalawa na lang papatayin ko" seryosong sabi ko sa dalawa.

"Bro, di ko akalaing aabot ka sa ganyan. Kung may problem aka pwede ka namang magsabi bro. ayaw naming maging criminal ka" seryosong sabi rin ni Raf.

"Che! Tumigil nga kayong dalawa. Lalong sumasakit ulo ko sa inyo. Pwede bang pakipaliwanag?" pag-awat ni pat samin.

"Boo! Boring. KJ talaga" lakas talagang mang-asar nitong si Raf.

"Pat, I know alam mo na ang buong detalye. So why bother asking?"

"Syempre iba pa rin pag galign sayo diba?" yun naman pala.

"Basta kung ano man yung sinabi ni yaya, yun nay un. Saka tenga nga, aren't you supposed to be on your flight?"

"Oo nga" segunda ni raf sa tanog ko.

"Well, anong bago. Delayed na naman mga filghts. Urg. Kainis. Sana di na ko na-istress ng ganito" I know kahit di ko sya nakikita nakakunot na ang noo nya at ready na manuntok ng kung sino mang suswertihin.

"What's new? Eh lagi ka namang stress" pang-gagaya ni Raf sa boses ni Pat.

Then I heard a knock on my door. Si yaya pala, kakain na raw kami ng dinner.

"O sige na guys. Pat have a safe flight. Kakain na daw kami" paalam ko sa dalawa.

"Punta ko dyan" sabi ni raf.

Forgetting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon