Chapter Eighteen: Heartbreaks

4.1K 177 145
                                    

Chapter Eighteen: Heartbreaks


Cecille's POV

Four years ago...


"Pwede bang tigilan mo na ang pag-iyak mo?" hindi ako sumagot kay kuya. Patuloy lang ako sa tahimik na pag-iyak habang isa-isang nilalagay ang mga damit ko sa malaking bag na ginagamit lang naming pag magbabakasyon kami sa mga kamag-anak namin sa ibang lugar. Pero hindi ganoon ang pangyayari ngayon. Hindi kami magbabakasyon, hindi kami pupunta dun para magpakasaya kung hindi para ilayo ako at ikulong. Pinunasahan ko ang luha sa mata ko dahil wala na akong makita sa ginagawa ko. natakpan na ng umaagos na luha ang paningin ko.

"Makakalimutan mo rin sya" dun ako huminto at tumingin kay kuya. Gusto kong sumigaw sa kanya. Magalit, sabihin na sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Na para bang winawasak ang buong pagkatao ko at dinudurog ang puso ko sa mismong harapan ko pero wala akong ginagawa para pigilan ito.

"Kailangan nya ako ngayon" madiin kong sabi. Kinailangan ko pang kagatin ang labi ko nung una para lang mailabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

"nandyan na ang mga magulang nya. Makakagulo ka lang sa kanila" naikuyom ko ang palad ko. Yumuko ako at nakita ang pagpatak ng luha ko sa suot kong palda.

Nagagalit ako sa mga taong humahadlang at pumipigil sa pagmamahalan namin. Bakit? Bakit nila kami kailangang pigilan? Bakit hindi nila kami hayaang maging masaya?

Pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil nandito ako at nakakulong sa kwarto ko habang alam ko na naghihirap ang mahal ko. Sa mga oras na ito alam kong sobra syang nasasaktan. At malamang sinisisi nya ang sarili nya sa nangyayari sa kanila ngayon. Alam kong ganoon ang gagawin nya dahil kilala ko na sya.

"Kuya, please. Kahit bago man lang tayo umalis" pagmamakaawa ko na.

"lalo lang kayong mahihirapan maghiwalay pag pinuntahan mo pa sya. Bilisan mo na ang pag-gayak ng mga gamit mo at aalis na tayo" sabi lang ni kuya tapos ay umalis na sya. At kasabay ng pagbagsak ng kurtinang hinawi nya napaupo ako sa panghihina ng tuhod ko. Doon na ako napahagulgol at sinubsob ang muka ko sa mga kamay ko. Hindi ko na pinigilan ang paghikbi ko. Gusto kong marinig nila tiya at tatay ang pahihirap ng kalooban ko.

Rae, sorry..

Sana wag kang magalit sakin sa ginawa ko. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama dahil yun ang kailangan. Sana maisip mo na gustong gusto kitang puntahan ngayon at yakapin para makahati mo ako sa sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi ko namamalayan na sobrang nahuhulog na pala ako sayo. Akala ko hindi na kita mamahalin pa ng sobra sa pagmamahal ko sayo pero ngayong pinaglalayo nila tayo, para apoy na lalong nagalit ang nararamdaman ko para sayo. Rae, ayokong malayo sayo.

Natapos na ako sa pag-gayak ng mga dadalihin kong damit at gamit. Lumabas ako sa kwarto na namamaga ang mga mata sa walang tigil na pag-iyak simula pa kaninang umaga.

"Ayusin moa ng muka mo. Walang uma-api sayo dito" ang masungit na sabi sakin ng tiyang.

"Anak.." tawag sakin ni tatay. Lumapit sya sakin at niyakap ako. Bagay na nagpa-iyak ulit sakin.

"Mag-iingat kayo doon ng kuya mo ha. Mag-aral kayong mabuti. Wag kayong mag-alala, paminsan minsan ay dadalawin ko kayo doon" sabi ni tatay pagkatapos ay hinalikan nya ako sa ulo.

"Tay, ayoko pong sumama kay tiyang" mahinang pagmamaka-awa ko kay tatay. Umaasa ako na magbabago pa ang isip nya.

"Ayoko din naman malayo kayo sa akin mga anak. Pero tama ang tiyang mo, mas makakabuti ito sa inyo" umiling ako habang nakasubsob pa rin sa dibdib nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgetting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon