Chapter Sixteen: Ang Pagsibol

2.6K 96 17
                                    

Chapter Sixteen: Ang Pagsibol


Frances' POV

Nakaharap ako ngayon sa salamin ng CR sa kwarto ko. Sa guest room ng pamilya Altamirano na naging tahanan ko na rin sa loob ng ilang buwan. Ilan na nga ba?

Maglilima na ata. Ang tagal na pala. Halata na talaga ang pagbubuntis ko. My baby bump has finally shown its undeniable shape. Kakatapos ko lang maligo at medyo matagal tagal na rin akong nakatitig sa katawan ko. Ang laki na ng pinagbago ng katawan ko. Ang dating petite kong katawan, ngayon ay nagkakalaman na. Napansin ko rin ang paglaki ng dibdib ko. Hinawakan ko ito at saka sinuri. Ganito pala pag buntis. It's like I've gone through a total transformation.

But in my eyes, I can still see that scared girl. Napapikit ako nung maalala ko ang araw na yun. Yung araw na nalaman kong buntis ako.

"Sweetie, di ka pa ba tapos dyan?" I heard mom said as she knock on my bath room door.

"Baba na lang po ako mom." Sagot ko sa malakas na boses para marinig nya ako.

"Okay. Bilisan mo na ha. Alam mo naman ang daddy mo"

"Yes mom." Kanina pa kasi ako binabalikan ni mommy dito sa kwarto ko. Kakain na kasi kami ng umagahan. Pero nandito ako sa CR at nakaupo sa nakasarang toilet seat. When I heard that mom was already gone in my room I started calling his number again.

"Damn you Kenneth, answer your damn phone." Gigil na gigil ako habang dina-dial ng paulit ulit ang number nya sa phone ko. After countless times of trying to call him, he finally answered.

"What the hell Frances, did you know that it's fucking 7 am?"

"I know, hindi mo kasi sinasagot ko ang mga tawag ko. Nasan ka ba? Parang kabute ka na sakin ah? Susulpot ka lang kung kelan mo gusto" mahina pero gigil na sabi ko sa kanya.

"What?! I'm home? What do you need ba? Antok pa ko. Madaling araw na kami naka-uwi nila Rick. I'll just call you later okay?" he said with irritation visible in his voice. Hindi sya ganito sakin dati. Kahit anong oras ko sya tawagan, sasagot sya ng mahinahon at malimbing.

"Buntis ako" sagot ko sa kanya habang nakatitig sa pregnancy test na hawak ko. Malinaw na malinaw ang dalawang pulang linya dito.

"What did you just say?!" kahit di ko sya nakikita alam kong napabangon sya. Rinig na rinig ko ang pagkaluskos ng kama nya.

"Buntis ako, Kenneth" tumahimik sya. At pagkalipas ng ilang sandal tumawa sya.

"you got me there babe. Ang aging joke naman nyan" tumatawa pa ring sabi nya.

"shit, Kenneth. I'm serious. Buntis ako at ikaw ang ama"

"Seryoso ka talaga?" tanong pa nya na lalo kong kina-inis.

"Sa tingin mo magbibiro ako tungkol sa ganito? Shit Kenneth. My dad will kill me if he finds out!" Sabi nila hindi daw accurate ang pregnancy test na ganito. Minsan daw nagkakamali din ito ng resulta. Naniniwala naman ako dun. Pero yung ganito kadami na lahat at may dalawang pulang linya. Inaccurate pa ba to? Tumingin ako sa sahig kung saan nagkalat ang iba pang pregnancy test na ginamit ko.

"Sigurado ka bang sakin yan?" may dudadng tanong nya.

"Gago ka ba Kenneth? Ikaw lang ang boyfriend ko!"

"Malay ko ba kung may iba kang nakaka-sex" dire-diretso nyang sabi.

Nakarinig ako ng paulit ulit na katok.

Forgetting CecilleWhere stories live. Discover now