Chapter Fifteen: One Step Closer

2.2K 85 20
                                    

Chapter Fifteen: One Step Closer


Frances' POV


Kahapon pa umalis sila Rae papunta sa probinsya nila, gusto ko sana sumama pero ayoko naman din maka-abala sa kanila. Lalo pa at sinabi ni yaya Glo na marami silang aayusin dun. Ang tahimik tuloy dito sa bahay. Umuwi muna si Mang Nilo, yung driver ni tita Vivian. Pati din yung ibang kasambahay pina-uwi muna ni yaya para naman daw makapag-day off. Kaming dalawa lang tuloy ni yaya dito sa malaking bahay na to. Nakakapanibago.

"Ano ka ba namang bata ka! Sabi ko na sayong ako na ang gagawa nyan. Pag nalaman ni Vina na nagtatrabaho ka, pagsabihan pa ako. Magpahinga ka na lang dun" sabi ni Yay nung Makita nya akong nagpupunas ng mga gamit sa sala.

"Yaya naman, na-iinip po ako e. saka hindi naman ito mabigat na trabaho. Baka tumaba naman po ako kakapahinga" paliwanag ko kay yaya.

"Ang kulit talaga. Ano bang gusto kong ulam mamaya? Iluluto ko?" ang bait talaga ni Yaya Glo. Kahit hindi nya naman ako tunay na amo di nya ako tinuturing na iba.

"Ya, parang gusto kong danggit. Luto ka po nun please" sabi ko at inakbayan ko pa si yaya.

"Danggit? Naglilihi ka na ba? Ay nako wag yun ang paglihan mo. Hindi maganda!"

"Yaya talaga. Hindi pa po. Wag kayong mag-alala. Ay ya, meron po bang mga photo album sila Rae?" curious na tanong ko. Naiiinip na talaga kasi ako kaya naghahanap ako ng pagkaka-abalahan.

"Meron, teka nandito yun eh" lumapit si yaya sa wall table ang binuksan ang drawer nito. May nilabas syang isang mga album.

"Ito ang family album nila. Marami pa dyan. Bawat isa sa magkakapatid meron dyan. Kuha tuwing birthdays nila" I grab the biggest album yaya showed me.

Sa itsura pa lang ng harap ng album, halatang pinasadya na ito.

The picture on the first page was a young tita Vina and Tito Ray. Big and happy smiles were painted on their faces. They look happy and really inlove.

"Ang gwapo at ang ganda nila hano? Kahit hanggang ngayon, parang hindi kumukupas" sabi ni yaya Glo habang nakatingin sa picture.

"Oo nga po e. bagay na bagay sila sa isa't isa" nakangiting sagot ko kay yaya.

I flipped the page and another picture of the two showed up. The difference is tita Vina was wearing Filipiñana wedding dress and Tito Ray was wearing a barong.

Wedding. Every girls dream.

Marami pang sumunod na picture ng dalawa. Kada anniversary nila may litrato.

"ang tagal na po nilang kasal. Pero pag tinitingnan ko sila parang bagong kasala pa din. Sweet pa din sila sa isa't isa" amy inggit na sabi ko. ako kaya makakahanap ng katulad ni tito Ray? Yung lalaking hindi ako iiwan at handang manatili sa buhay ko para samahan ako, alagaan at mahalin.

"Oo. Alam mo ba sa susunod na buwan nga ay magse-celebrate na sila ng 35 years nila?"

"Wow! Talaga po? Grabe. Nakakabilib. Ilang taon na po ba sila?" nakaka-curious kasi ang mga edad nila kasi hindi naman aakalain na ganun na sila katagal na kasal.

"Yang si Vina ay fifty-three na. At si Ray naman ay fifty-seven na. Kakagraduate lang noon ni Ray sa kolehiyo ng papuntahin sya ng Papa nya sa San Joaquin para sa bibilin nilang lupain doon. Saka naman nya nakilala si Vina, nataunan naman na may hindi magadang nangyari sa pamilya ni Vina. Napalayas ito, kinse anyos pa lamang si Vina noon nung sinama ni Ray ito pabalik ng maynila. Pinag-aral sya ng Papa ni Rae at nung naglabing walong taon na si Vina ay nagpakasal na sila." Ang dami rin palang nangyari noon bago naging sila.

Forgetting CecilleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt