Author's POV (Not an Update)

1.7K 89 27
                                    

Ilang taon na ba akong nagsusulat sa wattpad? dalawa na ba? hindi ko na namalayan na aabot ako sa ganito. Yung may magbabasa ng gawa ko. na magugustuhan ito at tatangkilin ng mga kapwa ko tiga hanga ng alyden. nung unang beses kong naisip na magbahagi ng kwento dito hindi naman alyden ang bida ko. marami-rami na rin kasi akong nabasang gxg stroy noon at dun ako na-inspired na sumulat ulit, bagay na hininto ko nung magcollege ako. Di ko akalain na magsusulat ulit ako kung kelan nagtatrabaho na ko. Isipin nyo, unang trabaho ko dapat nagfofocus ako nagpapa-impress sa boss ko pero hindi, tumatakas ako ng pagsusulat dahil aayokong sayingin yung idea na dumadaloy sa utak ko. May mga panahon din na kinakailangan kong magpaalam sa girlfriend ko para makahingi ng oras dahil gusto ko magsulat. Yung magpupuyat ako para lang makaupdate. Kaya lang minsan busy talaga at kailangang magprioritize kaya minsan naisasakripisyo ko yung pag-aupdate. Bakit ko ba to sinasabi? Ano bang pinupunto ko?

Nitong mga nakaraang araw kasi at buwan marami akong nababasa na post ng mga pina-fallow kong author sa wattpad. Lahat sila pare-pareho ang sinasabi. Meron daw nang-gaya o kumopya ng gawa nila. Yung isang author pa nga nagulat sya kasi talagang pinalitan lang ang name ng mga characters para masabing ibang kwento yun. Buti na nga lang at may mga nakakapagsabi at mabilis din umaksyon ang wattpad. Nakakalungkot lang na may mga taong gumagawa ng ganun. Hindi kasi biro ang oras at utak na nilalaan ng mga nagsusulat para lang makabuo ng story tapos kokopyahin lang? hindi ba nung nag-aaral naman tayo isa sa mga tinutro na bawal ang mangopya ng gawa ng iba? Natatandaan ko pa yung isang prof namin sa philo. Talaga mabusisi sya sa mga report papers namin. Bawal ang copy paste galing sa google. Kailangan alam mo ang tamang writing style. Pag nahuli ka nyang nangopya ng gawa automatic noon singko ka sa kanya. Walang gusting makakuha ng pulang marka sa transcript kaya lahat noon kahit di marunong magsulat natuto.

Kung hindi mo kayang magsulat wag mo itong gawing dahilan para mangopya ng gawa ng iba. Magpraktis ka. Wag kang matakot na ma-critisized ng iba. May magsasabi na panget ang story mo. Eh ano naman? Gamitin mo yun para iimprove yung sarili mo. Lahat naman ng magagaling magsulat ngayon at siguradong dumaan din sa ganung phase.

At sa mga readers naman na nakakapansin ng ganitong aksidente, wag kayo mahiyang magsabi. Pero wag nyo naman din muna husgahan yung tao. Iverify nyo muna. Malaking tulong yun sa mga manunulat.

Ako, proud kong sasabihin sa inyo na lahat ng gawa ko ay galing sa puso at isip ko. Bawat letrang nasulat ko ay nakatatak sa pagkatao ko. At talagang masasaktan ako pag nangyari din sakin ang mga nababasa kong post ng mga idol ko.

Pasensya na kayo sa mahabang sinabi ko. Paraan ko lang ito para maki-simpatya at suportahan ang advocacy ng mga kapwa ko manunulat. Uulitin ko, hindi biro ang oras, utak at pusong nilalaan ng mga nagsusulat. NO TO COPYRIGHT INFRINGEMENT. 

Forgetting CecilleWhere stories live. Discover now