Chapter Ten: Frances

2.5K 104 52
                                    

Chapter Ten: Frances

New character: Shiela Marie "Bang" Pineda as Frances Cabrero. To her friends, she's "Ces".

Ces' (Frances) POV

"Hmmm" napaungol na lang ako habang nakahawak sa ulo ko. Oh God ang sakit ng ulo ko.

"are you awake?" rinig kong sabi ng isang boses ng babae. I tried to open my eyes bit by bit and I was blinded by the light in the room.

"Nasan ako?" tanong ko habang pilit na inaaninag ang paligid. Damn! Dahil sa gagong yun napainom ako ng ganito karami. Hinding hindi na talaga akong hahawak ng kahit na anong bote ng alak. Hindi ako nagmumura pero lahat na ata ng klase ng mura nasabi ko na sa hayop na yun!

"Open your eyes. Pwede ka na daw umuwi" it's the same voice. Kaya lang bakit ganun? Ramdam na ramdam ko ang coldness sa boses nya at para bang nakakaramdam ako ng panlalamig dahil dito. Pero sino ba sya?

"baby. Don't be harsh on her. Let her rest" sabi naman ng isang boses rin ng babae. Pero mas malambing ito.

Pag bukas ko ng mata ko, isang maputi at napakagandang ginang ang sumalubong sakin. She's looking at me with her eyes full of tenderness.

"Sino po kayo? Nasan ako" tanong ko sa hindi pamilyar na muka.s

"You're at the hospital, hija" bigla akong napabangon sa sinabi nung ginang. Anong ginagawa ko dito?

"Po? Bakit po ako nandito. Ouch. My head" napahawak ako ng sa sintido ko. parang binabarena ang ulo ko sa sobrang sakit.

"O eto tubig at gamot. Safe daw yan sa buntis" sabi ng cold na boses habang nakalahad sa harap ko ang isang baso ng tubig at gamot. So they already know. Alam na talaga ng buong mundo na disgrasyada ako.

"Drink it hija. It will make you feel better" nag-aalangan pa ko kung kukunin ko yung gamot na inaabot nya dahil ewan ko ba, parang kinakabahan ako presensya nya. Nung hindi ko pa kinuha yung gamot inabot nya sa ginang yung baso tapos kinuha nya yung kamay ko at marahas na nilagay dun ang gamot.

"Daniela Rae!" saway dito ng babae. Sinundan ko sya ng tingin sa inupuan nyang sofa. She has this irritated expression on her face. Arms crossed and looking at the side of the room na para bang iniiwasan nya akong matingnan.

"I'm sorry about what she did. Mabait naman yan. Sige na, inumin mo na yan" tiningnan ko ang gamot ng matagal tagal bago ko ito ininom.

"What's your name hija? Sabi ni Rae hindi nya raw alam ang pangalan mo dahil bigla ka na lang hinimatay" pagkasabing yun ng ginang biglang bumalik sakin yung ala-ala ko kagabi. Simula sa panunuod ko ng graduation nya. Yung pagmamakaawa ko sa harap nya at ng pamilya. Na hindi man lang nya pinansin at para akong isang dumi kung tingnan ng magulang nya na nagpupumilit kumapit sa anak nila.Sa pagpapakalunod ko sa alak sa bar sa sobrang kahihiyang dinanas ko at dun nga sa pagpunta ko sa tulay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I thought it would be easier if I just die. Sobrang sakit ng ginawa sakin ng gagong yun. Tapos iniwanan pa nya ako ng responsibilidad.

Sya pala ang nagdala sakin. Blurry na kasi yung paningin ko kagabi dahil sa luha kaya hindi ko sya masyadong naaninag. At isa pa dahil nasa Sistema ko na ang alcohol hindi ko na alam kung ano ano mga pinaggagawa ko. Pero sa isiping iyon, parang ayoko na lang malaman kung ano pa yung mga nakakahiyang ginawa ko.

"Frances po. Frances Cabrero." Pagpapakilala ko sa ginang.

"Ako naman si Divina. Wala ka daw kahit anong dalang gamit kaya hindi namin natawagan ang pamilya mo. Eto ang phone ko, pwede mong gamitin yan para tawagan sila. Siguradong nag-aalala na sila kasi di ka umuwi. Kung gusto mo naman ihahatid ka namin" sabi nito.

Forgetting CecilleWhere stories live. Discover now